Nakakalula sa dami ng bigas ang ipinamigay ni Ara Mina para sa iba’t ibang probinsya

Ngayong panahon ng C0VID, napakahalaga ng pagkakaisa, at pagtutulungan. Marami ang nawalan ng trabaho, habang ang iba ay no work no pay naman. Kaya, bawat ibinibigay ng gobyerno o maging mga non government agencies ay malaking bagay sa ating mga kababayan lalo na ang mga nangangailangan.



Credit: @therealaramina instagram

Gaya na lamang ng mga artista. Marami sa kanila ang nagbabalik ng kanilang tulong sa ating mga kababayan kagaya na lamang ng pamimigay ng mga pagkain o mga relief goods.

Credit: @therealaramina instagram

Kilala si Ara Mina sa kanyang angking ganda at galing sa pag-arte. Pero bukod dito, isa din siyang matulungin at bukas palad na tao.

Credit: @therealaramina instagram

Katuwang ang #TEAMDARVE at Good will heart Foundation, namahagi sila ng isang truck ng bigas. Ang lahat ng ito ay maipamimigay sa mga nangangailangan na nakatira sa Laguna, Rizal,Pampanga, as at sa Metro Manila gaya ng Quezon City at Caloocan.



Credit: @therealaramina instagram

“Ang munting tulong na ito ng amingΒ #TEAMDARVEΒ ay sana malayo ang marating.πŸ™πŸ» Salamat sa lahat ng LGU’S at volunteers na tumulong sa pamamahagi ng aming nakayanan.Kaya natin ito! Tulong-tulong tayo! #BayanihanΒ #AraMinaΒ #AraCares #GoodwillHeartFoundationΒ @goodwillheart_foundation,” pahayag ni Ara Mina sa kanyang IG.


Tunay nga namang nakakataba ng puso ang mga ganitong klase ng pagtulong. Beauty inside and out nga naman itong si Ara Mina. Kaya naman, todo din ang pasasalamat ng mga netizens sa kanyang pagtulong:

Credit: @therealaramina instagram

“Buti pa ang idol k simple lng may pusot damdamin sa mga taong nangangailangan ng tulong hayaan mo idol nk tingin lng sayo ang Mahal nating panginoon papagpalain k sa yong magandang ginagawa sa ating bayan God bless you and your family I love you…”



Credit: @therealaramina instagram

“Wow…napakabait pala ni madam ara mina matulungin sa tao namimigay ng sako sakong bigas sa mga apektado ng c0vid 19. naway d2 rin sa amin madam ara mina sa bantayan mangaldan pangasinan mabuhay po kayo at God bless”