Rodjun Cruz at Dianne Medina, ipinasilip ang kanilang masayang oras magkasama habang naliligo sa pool

Isang blessing na maituturing ang pagdating ng isang baby sa isang pamilya. Lalo na kung kayo ay newly wed couple pa. Answered prayer pa kung maituturing ang pagdating ng isang supling sa isang pamilya.



Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Sino ba ang hindi naghahangad na maranasan ang maging ama at ina? Kaya naman, kapag dumating ang isang baby ay talagang abot langit ang kagalakan sa regalong inihatid ng langit sa kanila.

Gaya na lamang ng loving couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina. Inabangan nga naman nating lahat ang kanilang kwento. Kilig na kilig ang lahat sa kanilang mga posts at pictures noong sila ay magkasintahan pa.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

At mas nagumapaw nga naman ang kilig ng lahat nang malaman na ikakasal na sila. Naiulat din natin noon ang sorpresang proposal ni Rodjun kay Diane.

Matapos nito, nasaksihan din naman natin ang much awaited na kasalan ni Rodjun at Dianne. Napakasarap nga namang balik balikan ng kanilang kwento.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Lahat ng ito ay nagbunga na sa isang paparating na baby. Sa isang post ni Rodjun noong May 1, makikita ang baby bump ni Diane Medina. Mukhang ready na rin sila to swim at mag bonding ngayong enhanced community quarantine.



Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Medyo nakakainip nga naman ngayon panahon ng ECQ. Sinabayan pa ng summer season na sanay ang mga tao na nasa labas nag oout of town. Pero ngayon, wala muna at stay at home talaga ang dapat sundin.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Na siya namang sinunod ng mag-asawang Rodjun ay Dianne. Kaya, nag bonding na lang sila at nag swimmking sa loob ng bahay.

“Labor day swimming kasama ang Mag Ina Ko!😍 💘 🙏🏻 #Blessed,” saad ni Rodjun.



 

View this post on Instagram

 

Labor day swimming kasama ang Mag Ina Ko!😍💘🙏🏻 #Blessed

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz) on


Nakakatuwa nga namang makita na “mag-ina” na ang ginamit na term ni Rodjun sa caption. Halatang halata na excited na rin siyang maging daddy.