Ivana Alawi, biglang kinabahan at napaiyak dahil sa prank sa kanya ni Idol Raffy Tulfo

Ngayong panahon ng ECQ at maraming tao ang nasa bahay lang ay nauso ang mga iba’t ibang klaseng pranks. Maging mga artista na may sariling vlogs ay madalas gumagawa ng pranks sa kanilang mga kaibigan, kapamilya, at kung sino man na malalapit sa kanila. Ang kanilang madalas na ginagawa ay phone prank.



Credit: Raffy Tulfo in Action Youtube

Isa na sa mga artista na laging gumagawa ng prank sa kanyang vlog ay si Ivana Alawi. Nung mga nakaraang araw at linggo ay gumawa sya ng boyfriend prank, ipis prank at ilan pang videos tungkol sa iba’t ibang katulad nito.

Ngayon naman ay pati si Idol Raffy Tulfo ay nakisali na rin. At ngayon ay mas matindi ang kanyang prank dahil si Ivana Alawi mismo ang kanyang sentro ng prank.

Credit: Raffy Tulfo in Action Youtube

 

May kinausap si Raffy Tulfo na si Loida Rivera, isang staff nya rin, na magpapanggap bilang nagrereklamo na may problema ang mga relief goods na pinamigay ni Ivana at naging rason ito upang sumakit ang tyan ni Loida at naging dahilan din ito ng kanyang pagsusuka.

Credit: Raffy Tulfo in Action Youtube

Ang kanila pang reklamo ay expired na raw ang mga delata na kasama sa kanyang relief goods. Ipinasa na daw ito sa barangay upang mapasuri. Kitang kita naman sa mukha ni Ivana ang lubos na pag-alala at talagang halata na sya ay kinakabahan.

Dinipensahan din naman ni Ivana ang kanyang sarili at sinabi na sa mga kilalang suppliers lang sya bumili ng mga pagkain na pinamigay nya bilang relief goods.



Credit: Raffy Tulfo in Action Youtube

May kinausap din si Raffy Tulfo na abogado at tinanong kung anu ang magiging pananagutan ni Ivana dahil sa nangyari. Dahil dito ay mas lalong nakita ang kaba sa mukha ni Ivana Alawi.

Sinabi pa kasi ni Loida na makikipag ayos sya sa aktres kung sya ay mabibigyan ng 200k pesos na ikinagulat lalo ni Ivana. Ngunit sinabi nya na mas makakatulong kung yung pera ay gagamitin na lamang muli upang ipambili ng mga dagdag relief goods para sa mga nangangailangan.

Credit: Raffy Tulfo in Action Youtube

Pati ang pamilya ni Ivana ay kinausap na rin ni Idol Raffy para kunin ang kanilang panig. Ngunit sa huli ay pumayag na rin makipag-ayos si Ivana upang hindi na lumaki ang problema. Pagkatapos nito ay inamin na rin nina Raffy Tulfo na isa lamang itong prank at napangiti na lamang si Ivana, halatang nakahinga na rin sya dahil nalaman nya na wala pala itong katotohanan.

Credit: Raffy Tulfo in Action Youtube

Pati si Idol Raffy Tulfo ay natawa din ngunit hangang hanga kay Ivana dahil sa kanyang magaling na pagharap sa kunwaring reklamo sa kanya.



Kahit naprank si Ivana ay lumabas ang butihin nyang puso at kanyang intensyon na makatulong lamang. Maging ang mga netizens ay napahanga sa kanyang mga naging reaksyon:

“Self composure and professionalism shown by miss Ivana just brought me to be her fan also. I salute how she’s genuine really is. Godbless you more miss Ivana. Keep it up always.”

Credit: Raffy Tulfo in Action Youtube



“I admire Ivana the way she handles the situation. I admire her for having a good heart. I admire her for being protective to her family. Don’t change please. God bless you Ivana!”

“That’s 47mins of my time I won’t get back but it was totally worth it. I’m a believer now. Love this Gal.”