Marcelito Pomoy, sobrang napasaya ang isang lola dahil sa kanyang surpresang bagong bahay

Pagdating sa kantahan, hindi nga naman mapagiiwanan ang mga Pinoy sa ganda ng boses. Kaya naman, maging sa mga international competitions ay talaga namang bumibida ang talento ng Pinoy.



Credit: Marcelito Pomoy Official Youtube

Isa sa mga kilalang singer na gumuhit ng pangalan sa international scene ay si Marcelito Pomoy. Siya ay naging kampeon sa Pilipinas Got Talent Season 2 dahil sa kanyang napakagaling na boses. Hindi lang ang kanyang male voice dahil mayroon din siyang female voice na napakagaling din.

Kaya naman, sa America’s Got Talent ay bumida si Marcelito lalo na ang kanyang performance na “The Prayer”.

Credit: Marcelito Pomoy Official Youtube

Pero hindi lang basta magandang boses ang kanyang maipagmamalaki, kundi ang kanyang ginintuang puso na bukas lagi sa mga nangangailangan.

Credit: Marcelito Pomoy Official Youtube

Gaya na lamang ni Nanay Auro Verano, isang matanda sa Quezon province na nakatira sa isang sira sirang bahay sa loob ng 10 taon. Pinost naman ni Aiza Hernandez para mayroong tumulong.



Credit: Marcelito Pomoy Official Youtube

Buti na lang at nandiyan si Marcelito Pomoy na naipatayo ang bahay sa loob ng apat na araw.

Credit: Marcelito Pomoy Official Youtube

Nagsimula ang lahat sa unang araw na kung saan naglagay sila ng pundasyon sa bagong bahay na itatayo nila. Sumunod ang bubong, dingding at ang pinturang pula.

Credit: Marcelito Pomoy Official Youtube

Sunod naman nilang nilagay ang laman ng bahay na mga furnitures gaya ng kama, upuan at mesa. Kumpleto din ito sa utensils sa kusina.

Pwedeng pwede na nga naman itong tirhan kaya tuwang tuwa ang mga netizens dito:

“Such a kind and giving heart you have Marcelito. You are changing the world one act of kindness after another. God bless you and your team more and more. ❤️💕❤️💕

Credit: Marcelito Pomoy Official Youtube

“Such a give more hearts you have marcelito and Joan as a team you are changing the world God bless you you are a team What a wonderful job go Team pomoy💖💕💞

“God bless you more, marz and joan for all that you’ve done for nanay nelia and her son and for countless others who have received help from you.”



Credit: Marcelito Pomoy Official Youtube

Congrats actually that video about nanay Aurora already reach 1million views.”

“Godbless po your so such kind hearted person saludo ako sayo cheeers”