Zia Dantes, nagbihis bilang Darna at Dyesebel para sa isang Mother’s Day tribute sa mommy nyang si Marian Rivera

Isa sa mga kilala, at iniidolong Pinoy superheroes sa ating bansa ay si Darna. Pagkalunok ng bato, nanjan nga naman agad si Darna para tulungan ang mga naaapi.

Marami na ang gumanap nito at isa sa mga kilala at napakagaling na naging Darna ay si Marian Rivera- Dantes.



Credit: @marianrivera instagram

At ngayong ikalawang Linggo ng Mayo na magdiriwang ang lahat ng Mother’s Day ay tila binalikan ng anak ni Marian at Dingdong na si Zia Dantes ang pagganap na ito ni Marian bilang tribute sa kanyang mommy.

Credit: @marianrivera instagram

Suot suot ni Zia ang napakacute na Darna costume. Bagay na bagay niya nga naman ito at napaka cute na mini Darna.

“May pa early Mother’s day pakulo itong si Ate Zia! 😅 Familiar ba ang mga look? Sa dinami-dami ng roles na ginampanan ko, ang pagiging mommy ang pinakamasarap. Kaya susuportahan lang kita ‘nak as you discover your interests.

Credit: @marianrivera instagram

Happy ako na ka-partner ko and NIDO 3+ sa pag protect kay Zia. Ito rin ang trusted partner ng mga #1Moms. Happy Mother’s Day sa lahat ng ating supermoms. 💛 #NidoMyFirstWins #MothersDay,” saad ng IG caption na makikita sa IG ni Marian.




Hindi lang iyan, may pahabol pa si Zia. Sa isa pang post, ay suot naman niya ang Mini Dyesebel. Manang mana nga naman siya sa kanyang inang si Marian sa kanyang ganda at galing sa pag popose.

Credit: @marianrivera instagram

Walang kupas ang ganda ng mag-inang ito. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit napakaganda nilang dalawang mag-ina. Malay nga ba natin na siya na ang magiging susunod na Darna at Dyesebel. Narito naman ang mga komento ng mga netizens:

Credit: @marianrivera instagram

“Super pretty baby. Just like your mommy. 😍😍😍😍

“so pretty zia… so adorable… the next darna….”



Credit: @marianrivera instagram

“So beautiful… Zia dantes Cute cutest…”

“Sa kanya siguro talaga nakatadhana ang bato kaya di matuloy tuloy.🙄