Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, masayang naipagdiwang ang kanilang ika-11 wedding anniversary kasama ang buong pamilya

Ang bawat anibersaryo ay tanda ng bawat yugto ng pag-iibigan. Habang paparami ang mga yugto ay mas tumitibay ang pundasyon. Dito mas nagkakakilala at magkasamang hinaharap ang anumang unos na dumarating sa kanilang pag-iibigan.



Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Lalo na sa isang pamilya. Hindi nga naman puro saya ang pamilya. Dumaraan din sa mga pagsubok na nagpapayabong sa relasyon.

Gaya na lamang ni Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos Agoncillo. Masayang masaya nga naman sila sa kanilang pamilya at tatlong anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Nagdiwang din si Ryan at Juday ng kanilang ika 11 na anibersaryo. Ika nga sa post nila ay nakapagdiwang at nakakain sila sa labas na magpapamilya. Pero, ang labas ay sa labas lang ng kanilang bahay.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

“Yes!!!!! Nakakain kami sa labas… ng bahay! 😁 happy 11th my love! ❤️❤️,” saad ng IG caption.



 

View this post on Instagram

 

Yes!!!!! Nakakain kami sa labas… ng bahay! 😁 happy 11th my love! ❤️❤️

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday) on


Ano man ang sitwasyon, ang mahalaga nga naman ay magdiwang sila ng magkakasama bilang isang pamilya. Ang maging masaya at ligtas ang bawat isa ang siyang mas mahalaga.

Matatandaang sa nakaraang IG post ni Ryan, ay binalikan niya ang unang pagkikita nila ni Juday at hindi pa sila magkakilala dito. Ngayon, nakabuo na sila ng isang masayang pamilya.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Kilig na kilig naman ang mga netizens at nagpaabot din ng kanilang pagbati:

“Happy Anniversary Ms. @officialjuday & Sir @ryan_agoncillo 🙂 More love, peace, good health, joy in your family and success in your respective careers🙏🏼 God bless!”

“Happy Anniversary Mr. Ryan Agoncillo & Mrs.Judy Ann Santos Agoncillo, God bless both of you.”

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

“Naks! Ryan and Judy Ann, may you grow old together (until you both have white and grey hair) Happy Anniversary!!”

“Amg romantic sweet at creative naman. sana all kainggit oh someday ganito din anw
Happiest of Anniversaries for Ryan and Judy Ann. GOD bless.”



Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

“Happy Anniversary MR.MRS AGONCILLO more years to come more power godbless both of you congrats