Lara Quigaman, sobrang nasurpresa nung nalaman na sya ay buntis sa kanilang pangatlong baby

Ang buhay ay puno ng surpresa. May mga surpresa na talagang nakatutuwa. At dahil ito ay isang surpresa, hindi mo nga naman ito aasahan na dumating sa iyong buhay. Pero, ang iilan sa mga sorpresang ito ay isang blessing na maituturing.



Credit: Lara Quigaman Alcaraz Instagram

Gaya na lamang ng surpresa na dumating sa pamilya ni Miss International 2005 Lara Quigaman at ang kanyang asawang si Marco Alcaraz. Hindi talaga inasahan ni Lara na siya ay 18 weeks na palang buntis.

At dahil na surprise si Lara, naisipan din nyang na sorpresahin ang lahat.

Credit: Lara Quigaman Alcaraz Instagram

“Sana po na-surprise kayo kasi ako po na-surprise talaga ako ng bonggang bongga,” pahayag ni Lara.

Alam naman natin na sa panahong ito ay nasa ilalim ang Luzon sa enhanced community quarantine dahil sa cor0navirus d!sease 2019 (C0VID-19). Kaya naman, hindi muna siya makakapunta ng ospital para magpa check up para na rin sa kanyang kaligtasan.

Credit: The Alcaraz Family Youtube

Kaya, nakikiusap din si Marco na humingi ng prayers para sa kaligtasan ni Lara at ng kanyang baby.

“Humihingi rin kaming prayers sa inyo, si Lara kasi di pa siya nakakapunta sa hospital lately dahil sa mga nangyayari,” paliwanag naman ni Marco.



Credit: Lara Quigaman Alcaraz Instagram

Samantala, ibabahagi naman daw ni Lara ang kanyang magiging pregnancy journey sa kanyang baby para makatulong din sa mga katulad niyang buntis.

“Marami tayong matutulungan na ibang mommies, ‘yung mga buntis ngayon na kinakabahan,” dagdag pa ni Lara.

Credit: Lara Quigaman Alcaraz Instagram

Anuman ang napagdadaanan natin ngayon, mas mahalaga ay ang mga dumarating na blessings sa atin. Gaya na lamang ni Lara at Marco na madadagdagan na ang kanilang dalawang anak na sina Noah at Tobin.



Katulad ni Lara at Marco, ilan din sa mga couples na nageexpect din ng baby ngayon ay sina Dianne Medina at Rodjun Cruz, Rida Reyes at Cedric Castillo, Isabel Oli at John Prats, at Gian Sotto and wife Joy.

Patuloy namang dumagsa ang pagbati ng mga netizens kay Lara at Marco na talagang napakasaya para sa kanya.