Ogie Diaz at mga anak na babae, naging seryoso ang usapan pagdating sa pagkakaroon ng manliligaw

Kamakailan lang ay marami ang nagulantang sa prank ni Erin, anak ni Ogie Diaz na kung saan sinabihan niya ang kanyang ama na mag kaka apo na siya. Bandang huli, tumutukoy pala ito sa kanyang bagong alagang aso.



Credit: Erin Diaz Youtube

Ngayon naman, isa sa mga video ni Erin sa kanyang vlog ay ipinakita ang deep conversation ni Erin at ng kanyang kapatid at ni Ogie.

Credit: Erin Diaz Youtube

Maririnig nga naman na tinanong ni Ogie ang kanyang mga anak kung posible ba silang mainlove sa isang bading. Sabi nga ni Erin, na inlove na nga daw sila. Tinutukoy nila syempre walang iba kundi si Ogie.

Credit: Erin Diaz Youtube

Pinagkwentuhan din nila ang kani kanilang mga past love life. May manliligaw daw kasi si Erin noon at wala na ngayon. Kwento ni Erin, natutunan nya na hindi trip lang ang pag-ibig. At ang mas mahalaga ay ang matutong maghintay sa right timing.



Credit: Erin Diaz Youtube

Samantala, binalikan naman ni Ogie ang date nilang tatlong mag aama sa Taste of L.A. sa US noong November 2019. Dito ay umamin ang kanyang mga anak na may manliligaw na sila.

Wala naman kaso ito kay Ogie pero sigurado siya na hindi pa siya handang magka apo. Narito naman ang komento ng mga netizens ukol dito:

“Kung ganito ang father q.im so proud. Dahil pinanindigan niya aq bilang anak niya.at kung mgkka gusto man aq s Bading why not basta ganito ka cool at ganito ka responsible ?

Credit: Erin Diaz Youtube

“Gusto ko yung sagot nung pangalawang anak ni ogie sa tanong na “anong hinahanap mo sa isang lalaki?” Ang sagot niya? ” Gusto ko ay respetuhin ang mga magulang ko not just me!” KABOG!”

“Sobrang real ni Erin. I like her so much. First time kong magustuhan yung anak ng isang artista. Karamihan kasi na-consume na ng kasikatan ng mga magulang nila kaya feeling ko fake na rin sila pag humaharap sa camera. Pero super real at genuine ni Erin.”



Credit: Erin Diaz Youtube

“I salute you sir ogie!Daig mo pa ang tunay na lalaki actually po mas lalaki tingin ko sayo kaysa sa mga tunay na lalaki kuno dahil napaka responsable mo pong ama pinalaki mo ng maayos at binigyan ng magandang buhay ang iyong pamilya.May God bless your family always po.”