Alex Gonzaga, sinubukang tawagan ang mga kapamilya at kaibigan para sa isang prank call na talagang nagdulot ng katatawan sa mga netizens

Sikat na sikat talaga ang host, actress at vlogger na si Alex Gonzaga. Lalo na ang kanyang vlog na talagang napakarami ng mga subscribers.



Credit: Alex Gonzaga Official

Mapapansin sa kanyang vlog na noong nakaraang linggo ay nagpokus si Alex sa repacking at pamimigay ng mga relief goods. Pero, para naman good vibes muna ay balik sa mga pranks si Alex.

Una na ngang ginawa ni Alex ay pinrank niya ang kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay at titignan kung paano sila mag rereact.

Credit: Alex Gonzaga Official

Nagkunwari si Alex na lumabas siya. Kunwari ay hinarang siya ng barangay sa checkpoint at hihingi siya ng tulong sa kanyang mga kaanak.

Nag fail ang plano niya dahil nang tawagan niya sina Luis Manzano, Toni Gonzaga, at ang kanyang fiance na si Mikee ay pinapauwi nila si Alex dahil wala din silang magagawa.

Credit: Alex Gonzaga Official

Nagpanggap si Alex na barangay staff at kinausap sila. Bandang huli, pinaalalahanan ni Alex ang bawat isa na sumunod sa nga patakaran ngayong ECQ.

Samantala, nagpatuloy pa rin ang kanyang prank. Pero ibang prank na ang kanyang ginawa sa ikalawang bahagi.



Credit: Alex Gonzaga Official

Tinawagan niya si Ate Nene, Mommy Pinty at Uncle Jojo. Sa pagtawag, nagpanggap din siyang health worker at tinanong sila ni Alex kung nakakaramdam ba sila ng sintomas. Pabiro namang sinabi ni Alex na parang may plema pa daw sila.

At talaga namang ito ay ipinagtaka at ikinainis ni Mommy Pinty at Uncle Jojo. Hindi nila alam na nasa kabilang kwarto lang ang kausap nila na si Alex. Kaya nang nagpakita siya sa kanila ay tawang tawa silang lahat.

“Hi Alex…your fiancee know u so deeply…even ur immediate family didn’t recognize ur voice…everytime na nanunuod aku nang video mo grabi yung tawa at saya ko,” saad ng isang netizen.

Credit: Alex Gonzaga Official



“Thank you so much ate Alex kc kahit lock down nakkagawa kaparin Ng mga video mo lahat Ng video mo wla akong pinapalampas na panuorin kc ganun ako kaadik sau eh, thanks again ate Alex we love you po♥️♥️♥️♥️♥️????,” sambit naman ng fan na talagang tawang tawa kay Alex.