Rufa Mae Quinto, ipinasilip ang kanyang buhay kasama ang kanyang napaka cute na anak

“Todo na to,” iyan nga naman ang famous line na talagang alam nating lahat ng sikat na si Rufa Mae Quinto. Napakagaling nga naman talagang komedyante ni Rufa Mae.



Credit: @rufamaequinto instagram

Lahat ay talagang iniidolo din siya sa kanyang angking ganda at galing sa pagpapasaya ng tao. Pero, hindi lahat ay alam na isa ng ganap na ina si Rufa Mae.

Credit: @rufamaequinto instagram

Makikita sa kaniyang IG account na lagi talaga niyang kasama ang kaniyang cute na cute na anak na si Baby Athena. Maraming abalahin si Ruffa Mae sa career, business, at maging mga travel vacations ay napagsasabay niya ang lahat ng ito habang nagiging hands-on mommy kay Athena.

Credit: @rufamaequinto instagram



Bonding time nilang mag-ina ang magsuot ng mga terno at talaga namang bagay na bagay sa kanila. Hilig din nila ang mag shopping sa mall ng magkasama dahil nasisiyahan talaga sila ng nakaporma.

Independent mom naman talaga itong si Ruffa dahil matagal na rin silang long distance relationship ng kanyang asawa na si Trevor Magallanes. Sa ngayon kasi ay nagtatrabaho si Trevor sa San Francisco Police Academy at nagsasanay din siya bilang Police sa United States at naiwan si Ruffa Mae at ang kanyang anak sa Pilipinas.

Credit: @rufamaequinto instagram

Ayon kay Ruffa Mae, desisyon ng kanyang asawa na maiwan sila sa Pilipinas. Hiling niya talaga na manirahan ang kanyang mag ina sa Pilipinas para matutunan ni Athena ang pagiging isang Pinoy bago ito mag dalaga para pumili kung saan niya gustong manirahan.

Credit: @rufamaequinto instagram

Malawak naman ang pangunawa ni Ruffa dahil alam at naiintindihan niya na ipinagpapatuloy ni Trevor ang training para sa kanyang pangarap dahil gusto niya talaga na magkaroon sila ng mga goals o patutunguhan sa buhay.



Credit: @rufamaequinto instagram

Samantala, enjoy na enjoy naman si Ruffa Mae na kasama si Athena dahil sa napakabibo at napakagaling din na bata nito. Syempre, todo todo din ang pag aalaga at pag aasikaso ni Ruffa Mae sa kanyang anak.