Araw-araw patuloy ang pagtaas ng mga kas0 ng mga Pilipinong nagkakaroon ng C0VID19. Kaya naman, mas napalawig na ang araw ng enhanced community quarantine. Imbis na matatapos na ito sa April 15, na extend na ito hanggang sa katapusan ng Abril.

Sa ngayon, marami na ang naitalang nagpositibo sa C0vid. Marami na rin ang mga naging apektadong pamilya, ngunit parami ng parami na rin ang mga naitalang recoveries. Kaya, mas pinaiigting talaga ang pagpapatupad nito.

Isa sa mga pinapayo ngayong panahon ng quarantine ay ang magtanim sa ating mga hardin at mga bakuran. Na siya namang ginawa at plano talaga ng aktres na si Andi Eigenmann.

“Seconds away from our place is a mountain filled with the sweetest watermelons. Glad to have been able to go out this morning. Who would’ve thought that an errand like this one would be such an exciting opportunity to get out? Now I think Im changing my mind about wanting to plant some in our own backyard ?,” saad ni Andi sa isa sa kanyang mga IG caption na tuwang tuwa sa mga pakwan na kanilang na ani.
At ngayon lang ay, ibinahagi niya sa kanyang IG stories ang kaniyang pagtatanim. Nang mag simula ang ECQ ay sinimulan na rin niya ito, at ngayon ay ipinakita na niya ang ilan sa mga bagong usbong na bunga nito.

“@chepoxz and I have always wanted to grow our food. And due to lockdown: he built a garden bed 2 weeks ago, that we filled with soil from pigsty, chunks and chunks of kalabaw and food waste!” saad pa niya sa kanyang IG tories.

Matutuwa ka nga naman talaga sa mga makikita dito na gulay at prutas gaya ng pakwan, kamatis, ampalaya, pechay, kalabasa, avocado at bawang.

Malaking tulong ang pagtatanim ngayon. Bukod sa makakatipid, masisigurado mo nga namang ligtas at masustansya ang kinakain natin.
