Mayor Vico Sotto, gumawa ng paraan upang mabigyan lahat ng ayuda ang mga nasasakupan nya sa Pasig

Dahil sa patuloy na pagkalat ng C0VID19 sa ating bansa, mas pinalawig pa ng Pangulo ang enhanced community quarantine sa buong Luzon upang mapigilan ang pagkalat nito.



Credit: Vico Sotto Instagram

Bunsod nito, marami sa mga nagtatrabaho ng arawan ay no work no pay at walang kinikita. Marami din ang dumadaing na wala na silang pambili o makain. Kaya nagdesisyon ang palasyo na mamigay ng 8,000 pesos sa loob ng dalawang buwan sa mga pamilyang kabilang sa indigent families.


Pero, hindi pa rin ito sapat na mabigyan ang lahat ng mga nangangailangang pamilya. Gaya na lamang sa lungsod ng Pasig na halos nasa 150,000 na pamilya ang hindi pa mabibigyan nito.

Credit: Vico Sotto Instagram

Kaya naman gumawa ng paraan ang alkalde nito na si Mayor Vico Sotto na magkaroon ng supplemental SAP para sa mga hindi sakop ng nasabing ayuda. Nahanapan nila ng pondo ito at magbibigay ito ng 8 thousand pesos sa bawat pamilya.




Nilinaw naman ni Vico na hindi ito kada buwan kundi minsanan lang ito. Malaking tulong ito sa mga hindi nasakop ng SAP ng gobyerno.

“Hindi natin pwedeng kalimutan din yung ibang pamilya na hindi sakop nitong 93 thousand [beneficiaries] mula sa SAP… Naghanap po kami ng pondo over the weekend at tiningnan namin yung cash position ng city…” saad ni Vico sa CNN Philippines.

Credit: Vico Sotto Instagram

“We identified around 1.5 billion pesos that we can use for cash assistance for this Pasig supplemental SAP program… Makakapagbigay po kami ng 8 thousand pesos per family, of course given the approval of Sangguniang Panlungsod,” dagdag pa niya.

Talaga namang pinuri si Mayor Vico ng mga netizens mula sa iba’t ibang lugar dahil sa kanyang angking galing sa pamamahala. Naalala din tuloy ang isa nyang interview noon kasama si Karen Davila kung paano nya pamamahalaan ang pondo ng lungsod.


“Npakaswerte nio mga pasigenyo nataon vico sotto mayor nio. Makatao at makadios . God bless you more mayor vico and the rest of your family.”

“More power ..more patient more love sir mayor vico Sotto.. I salute ? your good job done in have..not being curropt.. we live you From Palawan Puerto princesa”

Credit: Vico Sotto Instagram



“Napakswerte nio sa mayor nio kaya bilang pagtanaw naman sa lahat ng gnagawa nia para sa.inyo follow ol da protocols masaya npo xa dun.im from malolos bulacan saludo aq sa kania..”