Mga nakakatawang prank nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa isa’t isa na talaga namang patok sa mga netizens

Karamihan sa mga artista at mga vlogger ngayon sa Pilipinas ay nakikitrend sa tinatawag na “prank”. Marami na ang gumawa at naprank sa mga content na ito.



Credit: Solenn Heussaff Instagram

Ang mag-asawang sina Solenn Huessaff at Nico Bolzico ay madalas i prank ang isa’t isa. Sa kanilang mga youtube videos ay maraming pranks na ang nagawa sa bawat isa. Ilan lamang sa mga ito ay nang i prank ni Solenn si Nico na manganganak na ngunit hindi naman talaga.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Sa video, halatang tarantang taranta ang asawa habang kinukuha ang hospital bag na gagamitin sa panganganak. Sa huli, tumawa ng tumawa si Solenn kaya naman nahalata siyang nagpa prank lang.

Sa kabilang banda, nang si Nico naman ang mag prank kay Solenn ay nag-iwan siya ng letter para sa asawa at ito ang naging dahilan upang basahin at mapa upo siya sa couch ng kanilang living room, kung saan nagtatago si Nico habang nakatakip ng mga unan.

Habang binubuksan ni Solenn ang sulat ay saka naman tinakot ni Nico at gulat na gulat ang aktres sa nangyari. Sabi ni Nico sa kanyang Instagram post, “probably the last prank of our marriage,” at nagbabala sa mga gustong gayahin ang kanyang prank na ginawa ay mag ready sa magiging reactions ng ipaprank.



Ngayon, muli nanamang nag upload ng video si Nico sa kanyang Instagram. Ang hindi alam ni Solenn ay prank pala talaga ito. Sa video, makikitang kunwaring magv’vlog si Nico, ang gagawin nila ay gagayahin ni Solenn kung ano ang gagawin ni Nico.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Pareho silang may hawak na tumbler na may laman na tubig. Sa huli ng ginagawa nila, uminom si Nico ng tubig na ginaya naman ni Solenn kalaunan ay binugaan siya nitong tubig sa mukha na ikinagulat ng aktres. Ang post ni Nico sa Instagram ay umabot sa 300k na views na may caption na, “Another successful show of #SosBolzProducciones: ‘Imitating with Bolz”


We already went through this topic in the #BulliedHusbandClub Handbook, but it is always good to have a refreshment, just remember, if you are going to prank your #Wifezilla make sure you can run faster than her or you are not reachable,”

Credit: Nico Bolzico Instagram



may ilang nag comment naman sa video prank na nagsasabing, “I think I’m now much interested to know what happened after… By the way, have you packed your clothes and stuff first before doing this and got a Plan B? ?