Ang naging buhay ngayon ng dating child star na si Agatha Tapan matapos ang pagiging aktibo noon sa showbiz

Sa pagsapit ng panahon, napakarami ng mga aktor at aktres ang pumasok at lumabas sa mundo ng showbiz. Sabi nga nila, pana panahon lang iyan. Ang iba’y nagtagal, mula noon hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sa ere. Pero ang iba ay nawala na at nagkaroon ng ibang tahakin sa buhay.

Isa sa mga kilalang batang artista na talagang napakasikat noong 1990s ay si Agatha Tapan. Siya ay isang teen actress ng ABS CBN Kapamilya Network. Makikita si Agatha sa iba’t ibang mga pelikula, programa sa telebisyon, at mga komersyal.



Credit: Agatha Tapan-Galiza Facebook

Makikita sa kanyang IG ang isang proyekto niya noon kasama ang aktor na si
Janus Del Prado.

Credit: Janus Del Prado Instagram

Nakilala si Agatha Tapan sa kanyang mga roles na ginampanan niya ng maayos at talagang napakagaling nga naman. Isang role niya na talagang tumatak ay ang kanyang role na Denise sa teleseryeng Mara Clara na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes na inabangan at tinutukan ng mga manonood mula noong Agosto 17, 1992 hanggang Pebrero 14, 1997.

Credit: Agatha Tapan-Galiza Facebook



Marami ring mga naging pelikula si Agatha na talaga namang inabangan ng lahat. Mula sa kanyang mga di malilimutang pagganap sa remake ng Vilma Santos’s Trudis Liit. Iba pang mga pelikula na “Mr.”, Barumbado noong (1996), Once Upon a Time noong(1997), at ‘Kahit Minsan Lang’ noong (1997).

Credit: Agatha Tapan-Galiza Facebook

Pero sa kabila ng kanyang rurok sa tagumpay sa showbiz, mas pinili muna ni Agatha ang magtapos sa pag-aaral. Siya ngayon ay graduate ng college degree sa De La Salle University sa Dasmariñas sa ilalim ng kursong AB Communication.

Credit: Agatha Tapan-Galiza Facebook

Nakabalik si Agatha sa ABS CBN pero hindi bilang artista kundi bilang bilang isang Business Development Analyst sa ANC noong 2010 at ngayon ay nagtatrabaho siya bilang FWD Financial Wealth Planner.



Credit: Agatha Tapan-Galiza Facebook

Mayroon na ring sariling pamilya si Agatha kasama ng kanyang asawa na si Romel Galiza at ikinasal noong 2015 at sumunod ang pagdating ng kanilang baby matapos ang ilang buwan.