Isabelle de Leon, ipinasilip ang larawan nila ni Mayor Vico Sotto na humakot ng reaksiyon mula sa mga netizens

Naging matapat si Mayor Vico Sotto sa kanyang sagot sa media nang tanungin siya tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Inamin ni Vico na siya ay NGSB (No Girlfriend Since Birth) at mas pinaguukulan niya ngayon ng atensyon ang pamumuno sa Pasig City. Ngunit pabirong niliwanag ni Vico na tumatanggap naman siya ng mga aplikante para sa posisyon sa kanyang puso.



Credit: Vico Sotto Instagram

Itong nakaraan lamang ay kinilig ang mga taga-suporta at taga-hanga ni Mayor Vico nang makita nila ang post ni Isabelle De Leon sa kanyang Instagram account. Sa post ay makikitang magkasama sa litrato ang dalawa at nilagyan ito ng caption ni Isabelle na:

Credit: @
isabelledeleontv instagram

“Saludo po kami sa inyong buong pusong paninilbihan sa bayan! Isa kayong inspirasyon..May God continuously uphold you with His righteous hand.. #Isaiah4110
Mabuhay kayo mayor @vicosotto ??”


Mabilis na nagreact ang mga netizens sa post na ito.

“Bagay po kayo… be safe?”

“I ship you both po ?✌️”



Credit: @
isabelledeleontv instagram

“Bagay s vico at Isabel,pogi at single s vico,si Isabel mganda at single kaya match n match yan,”

“Pretty duday! Bagay kayo ni mayor!❤️”

Meron ding mga netizens na nagbiro na hindi sila pwedeng maging loveteam dahil ‘magkapatid’ sila. Maalalang gumanap si Isabelle De Leon bilang anak ni Vic Sotto sa palabas na Daddy Di Do Du.

Credit: @
isabelledeleontv instagram

“Duday, huwag! Kapatid mo siya! Samin nalang siya ???”

Maaalalang ipinareha din si Mayor Vico kay Gretchen Ho nang makita silang magkasamang nanonood ng isang event ng SEA Games. Ang kanilang love team ay tinawag na ViChen. Dahil dito ay nagbigay ng komento ang ina ng batang mayor na si Coney Reyes tungkol sa love life ng anak.

Credit: Coney Reyes Instagram

“Kasi alam ko kung meron talaga, sasabihin ng anak ko. Hindi ko kaylangan magtanong. Mga anak ko, magsasabi yun. Pag walang sinasabi, edi wala.”

“Dinadaan ko lahat sa prayers kasi… matanda na rin siya. I mean, he’s 30. I can’t follow him around… Hindi ako nakikialam talaga.”

“Basta we pray together. I pray for him on my own. And then if he asks me for my opinions or suggestions – which is very seldom, I would probably ask his opinion now more than him asking mine. Because I believe that God really raised him to be a man of wisdom.”



Credit: @
isabelledeleontv instagram

Ito na kaya ang simula ng IsaCo love team? Iyan ang aabangan ng madami lalo na at marami ang naghihintay kung kelan at sino ang magiging unang girlfriend ng batang mayor.