Herbert Bautista, balik serbisyo sa Quezon City bilang Commanding General ng 1502nd Ready Reserve IB PH Army para tulungan na gawing mas ligtas ang lugar doon

Kilala siya sa kanyang panahon bilang si Captain Barbel. Noong nakaraang taon naman ay nagbalik telebisyon si Herbert Bautista bilang ama ni Liza Soberano sa palabas na Make It With You. Ito ang teleseryeng pinagbibidahan nila Enrique Gil at Liza Soberano.



Credit: Herbert Bautista Instagram

Pumasok din sa mundo ng politika si Herbert. Simula pa noong 1986 ay aktibo na sa paglilingkod sa bayan si Herbert. Ang huling paglilingkod niya sa bayan ng Quezon City ay noong naglingkod siya bilang Mayor ng lungsod bago siya pinalitan ni Joy Belmonte.

Credit: Herbert Bautista Instagram

Ngayong humaharap sa kr!sis ang buong bansa, ipinakita ni Herbert ang kanyang pagiging Batang QC. Hindi inalintana ni Herbert ang panganib at siya ay muling nagsisilbi sa kanyang pinakamamahal na lungsod bilang commanding general ng 1502nd Ready Reserve IB ng Philippine Army.


Sa Instagram post ni Herbert ay ipinakita niya ang kanyang larawan na nakadamit pangsundalo at may kasama pang ibang naglilingkod sa bayan. Ayon sa kanyang post ay kinunan ang litrato sa Tandang Sora.



Ipinahayag ni Herbert na siya ay masayang maglingkod para sa Quezon City. Ayon sa kanya ay busy ang kanilang team sa paglilibot para inspeksyunin ang mga borders ng lungsod para sa seguridad nito at para maayos na makapamahagi ng mga material na tulong para sa mga nakatira sa lungsod.


“#BatangQC Blessed to be serving as the Commanding General of the 1502nd Ready Reserve IB PH Army for my beloved city. Our team has been doing round the clock inspection of borders to ensure the safety of the city and also distributing goods to our constituents who are in need. We are helping to the best way we can and we appreciate your support in every way.”

Credit: Herbert Bautista Instagram

Hindi din niya nakalimutang paalalahanan ang mga tao na manatili lamang sa kani-kanilang bahay para sa seguridad ng lungsod at ng kanilang pamilya.



Credit: Herbert Bautista Instagram

“Please continue to Stay Home for the safety not just of our city but most especially our families.
God Bless Us All.”