Coney Reyes, aminadong kay Vic Sotto namana ni Mayor Vico Sotto ang kanyang galing sa pagpapatawa

Ngayong panahon ng kr!sis ay mas umingay ang pangalang Vico Sotto dahil sa kanyang mga magagandang programa at kanyang serbisyo bilang mayor ng Pasig. Lalong kinagiliwan ng mga tao si Vico dahil sa kanyang sense of humor. Makikita kaagad sa kanyang social media accounts ang kanyang funny side.



Credit: Vico Sotto Instagram

Kahit noong bagong halal pa lamang siya ay ipinakita na niya ang kanyang nakakatawang personalidad sa kanyang mga tweet.

“Akala yata ng ibang tao naging prim and proper ako bigla. Di nila alam may stiff neck lang kasi ako”

Pati ang isang twitter user na tinawag siyang ‘babe mayor’ ay sinagot niya sa Twitter.

Credit: Vico Sotto Instagram

“Yes for the first year we will maintain the current funding and focus on streamlining requirements, processes. Pero next time na tawagin mo kong ‘babe mayor’ may 500 peso penalty hahaha”

Noong nakaraang taon ay tinanong sa isang interview si Vico tungkol sa kanyang love life at ito ang kanyang naging nakakatuwang sagot.

“Sana naman before 40. Sa ngayon ang masasabi ko lang diyan, Diyos na po ang bahala. Tumatanggap naman ako ng aplikante,”


Dahil dito ay dumagsa sa social media ang mga babeng naghayag na magpapadala na sila ng resume sa batang mayor.

Ngayon namang may krisis ay hindi pa rin nawala ang sense of humor ni Mayor Vico. Sa isang video na inupload sa Instagram ng kanyang inang si Coney Reyes ay makikitang pagkatapos siyang i-sprayan ng disinfectant ng tauhan ay pabiro nitong ini-sprayan din ang tauhan ng alcohol na hawak-hawak niya.



Credit: Vico Sotto Instagram

Umabot kay Coney Reyes ang video na ito at ito ay kanyang pinost sa Instagram kung saan sinabi niya na namana ng anak na si Vico ang kanyang sense of humor sa kanyang amang si Vic Sotto.

“Someone sent me this short video clip of my son. I thank God for his sense of humor (which I’m sure he got from his Papa) amidst all that we are experiencing as a people… as a nation.”


Hindi rin pinalagpas ni Coney Reyes na pasalamatan ang mga tumutulong at sumusuporta sa kanyang anak.

“Thank you so much to all the men and women who tirelessly work alongside Vico! Bilib ako sa inyo! Maraming Salamat sa walang patid na tulong at suporta! God is your ultimate Rewarder! I would also personally like to thank all the people who continue to pray for Vico and his team! God bless us all and keep us in His loving care.



Credit: Vico Sotto Instagram

God is our Refuge and Strength! Our ever-present help in times of need! Mga kapwa Filipino! Stay strong! Konti nalang ito, di ba Lord?! ???”