Duet song nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, nagpaluha at nagpakilig sa mga netizens

Sa panahon ng kr!sis at kalamidad, ang dapat ay magtulungan ang bawat isa. Yan ang naging hangarin ng ABS-CBN kaya sila nagpalabas ng “Pantawid ng Pag-ibig: At-Home Together Concert”, isang tatlong oras na concert kung saan iba’t ibang Kapamilya artist ang lumahok at nagbigay ng mensahe at nag-alay ng awitin sa pamamagitan ng livestreaming.



Credit: Broadcast PH Youtube

Ang layunin ng konsyerto ay maghikayat sa mga manonood at makalikom ng donasyon na ipamimigay sa mga pamilya na higit na naapektuhan ng krisis. Mahigit isang daang artista ang lumahok sa concert na ito ng Kapamilya network.

Credit: Broadcast PH Youtube

Kasama sa nagbahagi ng awitin sa concert ay ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo-Guidicelli. Hinangaan ang dalawa sa napakagandang duet nila ng awiting “You Are The Reason”. Ito ang pinaka-unang duet ng dalawa sa national TV bilang mag-asawa.

Makikita sa video ang napakasimpleng kasuotan ng dalawa na nakasuot lamang ng puting T-shirt. Si Sarah naman ay parang walang suot na make-up.



Maraming nakapanood sa duet ang namangha at kinilig sa dawala.

“I just felt KILIG with the two. Happy to see them both singing for the people with the heart to help out GBU both ♥️♥️♥️”

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

“What a tear jerking song ? In time and with prayers Sarah and Matteo will be truly happy..❤️”

“Wow..duet pa more..so lovely to hear and watch this beautiful couple..love you Mr and Mrs G…”

“Wow that was beautiful tears in my eyes while u guys are singing. I wish you both happy and forever in love into your marriage god bless. ?❤️”

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

“Beautiful duet from the beautiful couple..i had to stop what i’m doing..worth watching ?
#mrandmrsguidicelli”

“Wow a lovely couple God bless .. I didn’t know Matteo can sing. Ang galing kumanta ni Matteo & Sarah.”

“What a beautiful duet, keep singing to inspire us. God bless you more Mr.& Mrs G. Praying for you and for all the frontliners.May God’s protection be upon us all .”



Credit: Broadcast PH Youtube

Dahil sa ganda ng pagka-awit ng mag-asawa ay tiyak na marami na ang nag-aabang sa susunod nila pagkanta ng magkasama.