Alex Gonzaga at Ivana Alawi, espesyal ang pagsasama sa iisang vlog na talagang nagdulot ng katatawanan mula umpisa hanggang dulo

Marami na ang mga Pinoy vloggers na talaga namang pinagkakaguluhan at dinudumog sa mga likes, views at shares. Pero kung hakot views ang usapan, mayroong mga pangalan na talaga namang lulutang gaya ni Ivana Alawi at Alex Gonzaga.



Credit: Alex Gonzaga Instagram

Marami ang nagsasabing gusto nila ng collab video ng dalawang vlogger na ito dahil halos pareho ang kanilang personalidad lalo na sa kanilang mga vlogs.

At napangyari na nga naman ito ngayon lalo na at umuwi na sa Pinas si Ivana para sa kanyang teleserye sa ABS CBN.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Sa unang bahagi ng vlog ay makikita si Alex na tila ginagaya si Ivana at pinangalanan niya ang kaniyang sarili bilang Iguana Balawi. Mayroon pa siyang kasama na nagpanggap na Mona.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Kaya nang magkita silang dalawa, ay talaga namang laugh trip ang kanilang mga usapan. Napag usapan din nila ang kanilang mga vlogs gaya ng 15 million views sa paglalaba ni Ivana.



Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Dumating din naman si Mikee, fiance ni Alex at kinulit kulit pa ni Alex si Mikee at Ivana.

Laugh trip nga naman talaga ito. Kaya naman, narito ang komento ng mga netizens dito:

“Really love Ivana. Hubadera to most but she really has a good heart, jologs, sobrang bait, di maarte, and talagang maalaga sa pamilya. Two youtubers I watch weekly tbh. One of the best collabs for me.”

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

“HAHAHAHA I love you both. Yung gf mong hindi selosa at may tiwala sa karelasyon at sarili.”

“10:05 lol??dirediretso slide si alex.si ivana hindi magkasya sa ganda ng butt?im sure this vlog makes more than 15m, like sa vlog ni Ivana na naglalaba???

“super laugh trip ate alex! i love the way you deliver your jokes as in nakakatawa,you have a sense of humor po ganun! more vlogs pa!??



Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

“The best collab ever! ❤️ Solid yung tawa ko dito simula’t dulo ? super laptrip talaga ? Sana next time ulit sa vlog naman ni Ms. Ivana kayo magcollab ate Alex, we want more ?? Tatlong beses ko ‘tong pinanood tawang tawa talaga ako, pramis! ??