Ian Veneracion, hindi nagawang magalit nang umamin ang kanyang anak na sya ay isang tomboy

Kapag usapang kulay sa lipunang ito, isa sa mga kulay na ibinabandera ngayon ay ang kulay ng bahaghari. Kung dati ay sa himpapawid lamang ito nakikita, ngayon ay iwinawagayway na rin ang banderang ito upang ipaglaban ang karapatan at pagkilala sa rinerepresenta nito na LGBTQ community o Lesbian Gay Bisexual Transgender at Queer community.



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Sa panahon ngayon, ay mas nagkakaroon na ng mas malawak na kaisipan at pagtanggap ang tao at ang lipunan dito. Kaya naman, isa sa mga mahirap na bahagi ng pagiging LGBTQ member ay ang magsabi ng pagkatao sa iyong mga magulang.

Gaya na lamang ng anak ni Ian Veneracion na si Dids. Naikwento nila sa talk show na Magandang Buhay kung paano inopen at nagtapat si Dids kay Ian.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Kwento ni Ian, “Kinukulit ko yung mga motor ko, dumating siya, medyo teary-eyed.

“Sabi niya, ‘Daddy, I have to tell you something.’

“Sabi ko, ‘What? Sit down.’

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Sabi niya, ‘I like girls.’

“Tapos sabi ko sa kanya, ‘Me also, I like girls.’

“So, parang nagtataka siya, sabi niya, ‘It’s okay?’



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Sabi ko, ‘Yes. Just don’t ever be apologetic about it, not even to me.’

“Sabi ko, ‘You can be whoever you want to be, and I have full support.’

“Natawa siya. Sabi niya, ‘You know?’

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Sabi ko, ‘Oo naman, bata ka pa, ang macho mo na.’

“So, alam ko na dati.”

Kaya naman, tuwang tuwa si Dids na nandiyan ang kanyang mga magulang na tanggap siya at talagang mahal na mahal siya. Siyempre, hindi nga naman maipinta ang mukha ni Dids sa saya dahil sa mga sinabi ng kanyang ama.



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Samantala, bukod kay Dids ay may dalawa pang anak ai Ian at ng kanyang misis na si Pam Gallardo na sina Draco, at Duccio.