Angeline Quinto, isinama sa kanyang bahay ang mga batang lansangan para makapag swimming

Isa sa mga masasabi nga namang napakabait at napakaganda ng kalooban sa mga showbiz personalities ngayon ay ang singer na si Angeline Quinto.



Credit: Love Angeline Quinto Youtube

Makikita sa kanyang video na pinapasok niya ang mga street children sa kanyang bahay at pinagswimming niya sa swimming pool ng kanyang bahay.

Mismong si Angeline pa ang nagimbita sa kanila na talaga namang ikinagulat ng mga bata. Siyempre, gustong gusto ito ng mga bata at enjoy na enjoy sa pagligo.

Credit: Love Angeline Quinto Youtube

“Alam niyo sa totoo lang hindi ko naman kailangan ikahiya pero dati kasi noong bata ako naranasan ko ring maligo sa baha. Dahil mahilig ako mag-swimming kapag baha sa amin, sa kanto namin, doon kami nagtatalunan ng mga kaibigan ko,” kwento ni Angeline.

“Kaya ang sarap lang siguro na makita mo ‘yung mga ganitong edad at nagulat sila na ako ‘yung nag-invite sa kanila,” dagdag pa niya.

Credit: Love Angeline Quinto Youtube

Nagmula din si Angeline sa pagiging isang bata na may simpleng buhay na nagnanais lang din noon na makapagswimming. At ngayon, siya na ang tumutupad sa mga kagusutuhang ito para sa ibang mga bata.



Kaya naman, bilib ang mga netizens kay Angeline sa pinakita niyang ito:

“She probably know how it feels to have nothing and she just wants to give back to others! Love it!?

“Yan ganyan dapat Kong sino nakahang at paranas mo naman sa mga bata yong ganyan para matuwa naman sila pinagpala ka ng panginoon Angeline sana maraming pang tao ang katulad mo god bless u”

Credit: Love Angeline Quinto Youtube

“Tama talagasumunod siya sa utos ng Dios love the children of Jesus christ sa ngayon hindi pa makatulong piro balang araw sila na iyon ang maging ikaw mas mahigit pa kay sa sayo in Gods will?

“Waw buti nlang at may puso c angie.mayron kc iba n galing sa mahirappag umangat akalamo cno.kung iba yan mangdiri kc galing marumi mga bata diba.good job..????



Credit: Angeline Quinto Instagram

“Saludo ako sa iu.kahit artista ka meron kng mabuting puso sa mga mahihirap na bata at ipagamit mo ang pool mo sana all.ang mga artista d maarte”