Anne Curtis, natupad na ang hiling nang makapanganak na ng isang malusog na baby girl

Ang tagal nga namang inabangan at hinintay ng lahat lalo na ng mga madlang people ang panganganak ng actress at host ng ABS CBN It’s Showtime na si Anne Curtis.



Credit: Anne Curtis Instagram

Sa ngayon ay nag take ng leave muna si Anne sa show upang makapagpahinga at makapagahanda sa kanyang panganganak. At noong Marso 2 ay opisyal ng inanunsyo na nanganak na si Anne.

Isang malusog at malakas na baby girl ang baby ni Anne at Erwan Heussaff. Naging successful ang panganganak ni Anne, dahil safe at parehong malakas si Anne at ang kanyang baby.

Credit: Anne Curtis Instagram

Isa sa mga naunang nagbigay ng balita sa mga madla ay ang kaibigan at katrabaho ni Anne na si Vice Ganda.


Congratulations @annecurtissmith and @erwan !!!! Can’t wait to see your beautiful baby girl! God bless your whole family,” saad ng tweet ni Vice bilang pagbati kay Anne at Erwann.



Credit: Anne Curtis Instagram

Double celebration din naman ito para sa kanilang pamilya. Lalo na at halos kakapanganak lang ng kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff.

Nakakatuwa na halos magkasabay silang magbuntis at paniguradong masayang masaya ang pamilya dahil nagsimula ng magkaroon ng mga baby sa pamilya.

Credit: Anne Curtis Instagram

Wish ni Anne noong Feb 17 sa kanyang 35th birthday celebration na maging matagumpay ang kanyang panganganak at malusog na baby, ngayon ay ito na nga at nangyari na ang wish ni Anne.

Sunod sunod man ang nga naging pagbabago sa buhay ni Anne. Mula sa kanyang pag-aasawa, pagbubuntis at ngayon bilang isang ina.

Kilala si Anne sa kanyang pagiging adventurous at siguradong magiging mabuting ina si Anne. Narito ang mga komento at pagbati ng mga netizens:

Credit: Anne Curtis Instagram

“Wow! She already has her baby! Congratulations

Congratulations mommy Anne God bless you both of you and your baby”

Congrats mr/mrs.heussaff welcome to the beautiful world little anne?god blessed to your heussaff family.?

Congratulations Mommy Anne! God bless you and your baby.”



Credit: Anne Curtis Instagram

Congrats Mommy Anne and Daddy Erwan god bless…”