AiAi Delas Alas, isiniwalat na nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari noon kasama si Mommy Divine dahil sa nawalang T-shirt ni Sarah

Sunod sunod nga naman ang mga naging ulat noong nakaraang mga araw tungkol kina Sarah Geronimo at Matteo Guidiceli. Naging maingay ang kanilang mga pangalan matapos magkaroon sila ng secret wedding at tila dumating si Mommy Divine nang hindi naimbitahan sa secret wedding na ito.



Credit: AIAI DELAS ALAS INSTAGRAM

Marami ang mga bumati kina Sarah at Matteo pero di rin maiwasan na pag usapan si Mommy Divine. Binati naman ni Ms Ai Ai Delas Alas na naging ka trabaho din ni Sarah noon.

Congratulations Mr & Mrs Guidicelli.. more years to come sa inyong pagsasama .. naway biyayaan kayo ng mga cute at malulusog na babies .. at isang napakaganda at puno ng pag mamahal na pag sasama,” mensahe ni Ai Ai.

Credit: AIAI DELAS ALAS INSTAGRAM

Nang tanungin naman ang komedyante at aktres na si Ai ai tungkol kay Mommy Divine ay sinabi niya na hindi naman masisisi dahil protective talaga ang mga magulang.

“Mabait si Sarah’ng anak. Mabait si Sarah’ng kapatid. Basta, mabait si Sarah. Pero alam niyo naman, Mommy Divine is Mommy Divine,” saad ni Ai Ai.



Credit: @popstersliza instagram

Naikwento pa niya ang isang encounter ni Ai ai na medyo na off siya kay Mommy Divine noong magkatrabaho pa sila ni Sarah sa teleseryeng Bituing Walang Ningning.

“Hindi naman sumama ang loob. Medyo na-off lang ako nang konti, pero noon pa yun. Kasi, nawala yung T-shirt ni Sarah, napagbintangan niya na kami ang kumuha. Nakakaloka, ‘Day!” sambit ni Ai Ai.

Credit: @popstersliza instagram

“Yung ate ko ang nandoon. Kaya ang ate ko, si Ate Joanne, ang tawag niya kay Mommy Divine, ‘Best friend Divine. Sa tingin ninyo, magkakainteres ako doon? Teka lang, magka-size ba kami ni Sarah?” dagdag pa ni. Ai Ai.

Samantala, todo naman ang suporta at tuwa ni Ai ai para sa newly wed couple.



Credit: @popstersliza instagram

“Hayaan na natin sa kaligayahan niya si Sarah. Kasi, 31 na si Sarah, e. And I think, lahat na tulong niya sa pamilya niya, nagawa niya. And it’s time na bigyan si Sarah ng kaligayahang para sa kanya,” sabi pa ni Ms. Ai Ai.