Mariel Padilla, bongga ang naging party para sa 3rd month birthday ng kanyang bunsong anak na si baby Gabriela

Kapag nga naman birthday parties na ang usapan, numero uno nga naman na excited jan ay ang mga kids. Sabi nga nila, para sa mga bata daw talaga ang mga kaarawan at mga birthday parties na ito.



Credit: Mariel Padilla Instagram

Kapag nga naman ang isang bata ay 1 year old na, paniguradong icecelebrate ang kanyang 1st birthday kasama ng lahat ng pamilya at kaibigan.

Pero, ang iba ay bago pa nila maabot ang 1 year old ay pinagdiriwang nila ang bawat buwan na dumadaan. Ang bawat birthday month nila ay sinecelebrate nila bilang tanda ng kanilang pasasalamat sa kalusugan ni baby.

Credit: Mariel Padilla Instagram

Iyan ang ginagawa ni Mariel sa kanyang panganay at ginagawa niya din ngayon sa kanyang bunso na si baby Gabriela. Ipinagdiwang nila ngayon ang kaniyang 3rd month birthday.



“Before my baby turns 1… i always celebrate their monthly “birthdays” and this was Gabriela’s 3rd month celebration ??? it was also her first time to meet her Padilla family. Sharing it with all of you… link is on my bio. Watch out for our giveaway!!! ? big thanks to @theflourgirl @bigalscookiejar for our cakes!!!,” sambit ni Mariel sa kanyang IG.


Isang DIY o Do It Yourself Party ang inihanda ni Mariel Padilla para sa birthday party ni Baby Gabriela. Siyempre, kumpleto ang lahat mula sa masasarap na pagkain na may kasama pang balloons at party decorations.



Credit: Mariel Padilla Instagram

Mayroon pa ngang pabitin na inenjoy din ng mga batang dumalo sa party ni Gabriela. Tuwang tuwa din si Robin Padilla na nakikita ang kanyang mga apo at mga kaanak na enjoy na enjoy dito.

Credit: Mariel Padilla Instagram

Dinaluhan ito ng lahat ng kanilang mga kaanak at mga kapamilya na talaga namang mahal na mahal si Baby. Ito din kasi ang unang beses na makikita ni Baby Gabriela ang Padilla Family kaya talagang espesyal din ang araw na ito.



Credit: Mariel Padilla Instagram

Excited naman ang mga netizens na makitang lumaki si baby na malusog at masaya.