Nikki Gil, ipinagdiwang ang kaarawan ng kanyang asawa kasama ng kanilang anak at ibang malalapit na kapamilya

Sino nga ba ang kukumpleto sa iyong kaarawan? Siyempre, paniguradong ang mga mahal natin sa buhay ang bubuo sa saya at tuwa sa araw ng ating kapanganakan.

Sa bawat kaarawan, ay gustong gusto nga naman nating magsama sama para ipagdiwang ang panibagong kalakasan, kalusugan at mga blessings sa buhay.



Credit: Nikki Gil-Albert Instagram

Sa loob ng isang taon, ay dapat nga namang ipagpasalamat ang mga walang humpay na blessings na dumating sa ating buhay.

Kaya naman, nararapat lang na i enjoy ang bawat birthday celebration na dumarating sa atin.

Credit: Nikki Gil-Albert Instagram

Gaya na lamang ng birthday celebration ng asawa ni Nikki Gil na si BJ Albert.

Makikita sa post ni Nikki ang iba’t ibang mga taong mahahalaga sa kanilang buhay na nakicelebrate kay BJ. Narito ang kanilang mga kapamilya, kaanak, katrabaho at mga kaibigan.



Credit: Nikki Gil-Albert Instagram

“Celebrated BJ’s 35th with his nearest and dearest over the weekend ?❤️,” sambit ng caption ni Nikki sa IG.

Talaga nga namang nakatutuwa na makitang masayang masaya sila lalo na si BJ Albert sa kanyang birthday celebration. Pero sa dinamirami ng mga taong dumalo, paniguradong si Nikki pa rin ang pinakahigit na kumumpleto sa kaarawan ni BJ.

Credit: Nikki Gil-Albert Instagram

Enjoy na enjoy ang lahat mula sa napakabonggang set up, masasarap na pagkain at sa buong selebrasyon. Hindi maipinta ang saya sa mukha ni BJ dahil sa dami ng mga nagmamahal sa kanya na present at naglaan ng oras para sa kanyang birthday celebration.

Maging ang mga netizens ay nagpaabot ng pagbati sa ika tatlumpu’t limang kaarawan ni BJ. Halos na kay BJ Albert na nga naman ang lahat.



Credit: Nikki Gil-Albert Instagram

“happy bday BJ — all the best of LOVE HAPPINESS AND AMAZING HEALTH — hugs to NIKI and kiddo ❤️”

“Magandang pair kayo idol. Very classy??”

“Beautiful and happy family ❤️”