Ogie Diaz, sinabi kung bakit may dapat ipagpasalamat si Matteo Guidicelli kay Mommy Divine

Naging usap usapan sa social media at sa mga balita ang kasalang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Isa nga naman ito sa mga kasalang inabangan pero gumulat sa ating lahat dahil sa tila sikretong civil wedding nilang dalawa.



Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Pero, marami din ang natuwa, naging masaya at umusisa din sa naging kasalang ito. Lalo na kung paano ang naging resulta nito at ang balitang hindi daw invited si Mommy Divine, ang nanay ni Sarah.

Dahil dito, nagsulputan na ang iba’t ibang mga reaksiyon ng mga netizens at maging mga personalidad sa showbiz. Isa na dito ang vlog ni Ogie Diaz. Dito ay inilahad ni Ogie kung ano ang kanyang opinyon at paano niya tinimbang ang nasabing isyu.

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Ayon kay Ogie, malaki pa rin daw dapat ang naging pasalamat ni Matteo sa ina ni Sarah dahil kung hindi daw nagpaka over protective si Mommy Divine ay malamang napunta na si Sarah sa mga naunang lumigaw sa kanya gaya nila Gerald Anderson, John Lloyd Cruz o Rayver Cruz.

Nasabi din naman ni Ogie na hindi natin masisisi si Mommy Divine dahil gusto lang talaga niya na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.



Sa kabila nito, masayang masaya naman ang lahat na finally ay naging opisyal ng kasal ang dalawa. Inilahad naman ng mga netizens ang kanilang saloobin ukol kay Mommy Divine.

“I think it’s over the top ang pagka protective. I’m a parent too. Abnormal nman yun. Nobody own Sarah. not her mom or mateo.she is her own.”

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

“Mommy Divine should watch and listen to Father Orbos’ video about parents being too controlling and imposting their standards to their children.”

“Mommy Divine should respect Sarah, even she’s the mother Sarah has her own life to live Give your blessings to Sarah and Mateo for their happiness”

Credit: Ogie Diaz Youtube

“Hi so busy lately 🙂 we really dont know what is the truth. That is why i love artists who are open to the public. Some of them are asking for support from the fans but ang tipid nila sa truth 🙂 #justsayin



Credit: Ogie Diaz Youtube

“The newly wed needs their blessings . Mommy Divine just pray for their happiness”