Melai Cantiveros, mas pipiliin ang mamuhay ng simple sa probinsya at maging house wife kung di sya nakapasok sa showbiz

Kapag usapang showbiz nga naman, hindi mawawala ang mga artista na nagbibigay aliw, tuwa, at saya sa atin. Sila ang mga komedyante na kahit ano nga namang bigat at laki ng ating problema ay pansamantala natin itong makakalimutan dahil sa hatid nilang tuwa at saya sa atin.



Credit: Melai Cantiveros – Francisco Instagram

Isa sa mga tatak na komedyante sa showbiz ay ang ABS CBN Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros-Francisco o si Momshie Melai ng “Magandang Buhay”. Napatunayan ni Melai sa kanyang mga programa, pag hohost at mga pelikula na kayang kaya niyang magpasaya at magbigay ng tuwa sa mga tao lalo na sa kanyang mga fans.

Credit: Melai Cantiveros – Francisco Instagram

Ang tagal na rin mula ng maideklara siya bilang Big Winner ng PBB Double Up Edition. Pebrero 2010 nang tanghalin si Melai na Big Winner at dito na nag ugat at nag simula amg lahat ng mga oportunidad para kay Melai.

Ayon kay Melai, kung hindi daw siya pumasok sa showbiz malamang ay isang plain house wife siya.

“Tapos, kasi siya nangingisda. So ako, willing ako maging housewife, ganoon,” saad ni Melai.



Credit: Melai Cantiveros – Francisco Instagram

Napakaraming oportunidad ang dumaan kay Melai at ang lahat ng ito ay talagang na grab ni Melai at nagamit para sa kanyang ikabubuti at ikauunlad at ang pamilya.

Pero hindi lang pala buhay ang naiangat ng PBB kundi maging ang love life niya ay natagpuan dito. Bukod sa love life ay talaga namang forever na ang kanyang nakita na si Jason Francisco na ngayon ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Credit: Melai Cantiveros – Francisco Instagram

Sa ngayon, masayang masaya na siya bilang isang host, artista, asawa at ina sa kanyang mga anak. Napakarami ng mga nagmamahal kay Melai dahil sa kanyang puso na talaga namang napaka dalisay.

Credit: Melai Cantiveros – Francisco Instagram

“Maganda naman c melai dati pa. di lang masyadong nakikita ng mga tao yung kagandahan nya dahil morena sya. But she’s beautiful inside & out. Keep it up melai,” saad ng isang netizen.