Bangs Garcia, masayang ibinalita na sya ay buntis muli kaya mas lalong naging espesyal ang kanilang pagdiriwang ng valentines day

Kung ang iba ay tungkol sa mga nakakakilig na moments ng mga magkasintahan o couple goals ang laman ng mga social media post ng mga netizens noong Pebrero 14, iba naman ang naging paraan ni Bangs Garcia sa pagbati sa atin sa Araw ng mga Puso.



Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Hindi kasi ang mga sweet moments niya at ng kanyang asawa ang ipinakita niya. Kundi ang panibagong bunga ng kanilang pagmamahalan ang kanyang ipinaalam sa mga netizens.

Muli na naman kasing magiging maingay ang kanilang pamilya dahil sa panibagong baby na parating sa kanila. 4 months na buntis si Bangs Garcia na talaga namang ikinatuwa pati ng mga netizens.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

“The love in our family is tremendously growing as another bundle of joy is coming our way. Happy Valentine’s Day, Loves!!!❤️,” pagbati ni Bangs noong Valentines Day.


Marami talaga ang naging masaya at nabigla sa anunsyo ni Bangs. Mas nakakakilig nga naman ang mga ganitong anunsyo dahil may bagong baby sa kanilang pamilya.



Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

At syempre, magiging ate na ang panganay nila na si Valerie.

“valeriebangsgarcia Officially promoted to “BIG SISTER” in July 2020! ?❤️?? @ameliagarciabirchmore,” saad ng post.

 

View this post on Instagram

 

Officially promoted to “BIG SISTER” in July 2020!??❤️???? @ameliagarciabirchmore

A post shared by Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia) on


Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Bangs sa kanyang asawa. Ayon kay Bangs, talagang malaki ang pasasalamat niya sa kanyang asawa dahil lagi siyang nasa tabi ni Bangs.

Malayo man dito sa Pinas hindi naman lubusang nararamdaman ni Bangs ang lungkot dahil kasama niya ang kanyang asawa’t anak.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

“Thank God I have a very supportive husband who stayed with me all throughout my struggles. I kind of missed my family though when I was at the hospital, I would have loved to have my Mama go through all of those with me too, such a shame Philippines is too far away from UK,” sambit pa ni Bangs.



Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Malayo man sa kanyang pamilya sa Pinas, mga fans at showbiz career dito sa Pinas, ay paniguradong masayang masaya naman siya kasama ng pamilya lalo na at may bagong baby pa silang parating.