James Yap, ipinasilip ang kanyang masayang buhay at career ngayon kasama ang kanyang partner at mga anak

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa galing at gilas ng basketbolistang si James Yap? Sa tagal na rin niya sa industriya ng basketball ay talaga nga namang iniidolo at tinitingala si James.



Credit: James Yap instagram

Maraming kampeonato at titulo ang nasungkit ni James. Swak na swak nga naman ang kanyang mga moves at mga shots na talaganh pasok na pasok din ang bawat shoot niya.

Credit: James Yap instagram

Kilala sa tawag sa kanya na Big Game James, naglaro siya sa koponan na Star Hotshots sa loob ng 12 seasons na nakapanalo ng 7 PBA championships.

Credit: James Yap instagram

Isa din siyang 16-time PBA All-Star mula 2004 hanggang 2019 bilang isang Starter. Gilas at galing talaga ang ipinapakita ni James sa kanyang pagiging player. Kaya naman, sa kabila ng kanyang busy schedule nababalanse nya pa rin ang kanyang pag nenegosyo at oras para sa pamilya.



Credit: James Yap instagram

Pinagkaka abalahan din ni James ang kanyang minamanage na sariling bar na “District 8 Manila”. Bukod sa basketball, ang pagnenegosyo at pagmamanage nito ay naging bahagi na rin ng buhay ni James.

Credit: James Yap instagram

Napakaganda nga naman na sa gitna ng mga blessings na ito ay mag invest at magbusiness.

Pero kapag wala sa loob ng basektball court o sa bar si James, quality time si James sa kanyang pamilya. Paniguradong kasama ni James ang kanyang partner na si Michela Cazzola at ang kanilang dalawang napaka cute na cute na anak.

Credit: James Yap instagram

Nabiyayan si Michela at James ng dalawang anak na sina MJ at Franchesca. Ang kanilang panganay na si MJ ay tinatawag din nila Bugoy, habang ang kanilang bunso na si Franchesca ay Bugay naman ang tawag sa kanya.

Credit: James Yap instagram

Masayang masaya nga naman ngayon si James sa kanyang buhay bilang isang basketball player, isang ama sa kanyang anak, asawa sa kanyang partner, at isang negosyante sa kanyang bar.



Credit: James Yap instagram

Simple at payapang buhay nga naman ang talagang sentro at ninanais ni James sa kanyang buhay.