Alex Gonzaga, nagkunwaring buntis at hindi ito ikinatuwa ng kanyang mommy Pinty at Daddy Bonoy

” Ma, pa buntis ako,” iyan nga naman ang mga kataga na ikinatatakot na marinig ng mga magulang sa kanilang mga anak lalo na kung hindi pa sila kasal.



Credit: Alex Gonzaga Youtube

Iyan ang naging laman ng vlog ni Alex Gonzaga na kung saan pinrank niya ang kanyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

Naunang na prank si Mommy Pinty at ang uncle ni Alex. Tatlong positive pregnancy tests na may kasama pang ultrasound ang ipinakita ni Alex. Lahat ng ito ay planado at galing sa kaibigan ni Alex.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Nang sabihin ito ni Alex kay Mommy Pinty ay agad na umalis si Mommy Pinty at tila galit na galit kay Alex. Pero agad namang sinabi ni Alex sa kanya na prank lang daw ang lahat ng ito.

Credit: Alex Gonzaga Youtube



Samantala, nang pinrank naman ni Alex ang kanyang ama ay napaupo na lang ito at nagbasa na lang ng bible. Pero agad din namang sinabi ni Alex na prank ito.

Tuwang tuwa naman ang mga netizens at naging kapansin pansin sa kanila kung paano nag react ang kanyang mga magulang lalo na si Daddy na kinapulutan nila ng aral.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

“May natutunan ako kay Daddy Bonoy today. It is that when you can’t contain your emotions, best thing to do is read your bible. You’re family is really a blessing to all of us, you never failed to make us laugh. God bless you Ms. Alex,” saad ng isang netizen.

“Haha iloveyou alex, im so proud of you. Swerte ng parents mo sayo, and also swerte ka rin sa kanila. Bihira na lng ngayon ang magulang na very strict pag dating sa ganyan. Shoutout po and God bless”



Credit: Alex Gonzaga Youtube

“aq natak0t sa magi2ng reaction ng parents nya hehe ang cute nung mga nagta2mpo cla. nka2touch ung pagma2halan at care nila sa family nila. sana may pamilya dn aq gaya nila..”