Motor Home ng isang pinay sa Amerika, patok na patok dahil sa bongga ang laki at kumpleto pa sa gamit

Lahat tayo ay may kani kaniyang dream house. Iba’t ibang istilo at disenyo ng bahay ang nais nating maipatayo balang araw. Manghang mangha nga naman tayo sa ganda ng mga bahay na nakikita natin mula sa mga artista at showbiz personalities.



Credit: HappyCamperMarie youtube

Pero, mas mamamangha ka nga naman sa galing at talagang kakaibang bahay na ito ng isang Pinay na nakatira sa America. Hindi lang kasi simpleng bahay na nakapirmi ang kanyang bahay kundi “house on wheels” ika nga nila.

Credit: HappyCamperMarie youtube

Si Marites, namalagi na siya sa US kasama ang kanyang pamilya at nakapagpatayo ng house on wheels o kilala din sa tawag na motor home.

Makikita ang bahay na ito sa kanyang YouTube channel na “HappyCamperMarie”. Ngayon, ay mayroon nang higit sa 13,000 ang mga sumusubaybay dito.

Credit: HappyCamperMarie youtube

Kwento ni Marites, hilig talaga ng kaniyang pamilya ang mag travel at magbiyahe kung saan saan. Kaya, talagang tamang tama sa kanila motor house na ito. Napakaluwag at napakagara nito dahil saan ka man magpunta ay kasama mo ang buong bahay mo.

Kung bibisita ka, bubungad nga naman sa iyo ang dalawang upuan sa harap. Isa para sa driver na kanyang asawa at ang isa ay para naman sa kanya mismo.



Credit: HappyCamperMarie youtube

Makikita din ang “living area” dito na kung saan sila tumatanggap ng bisita. Dito ay may makikita kang sofa na pwede ring higaan at tulugan.

Tulad ng mga ibang bahay, kumpleto ito sa gamit gaya ng lababo, lutuan, oven, stove, coffee maker, at refrigerator sa loob ng bahay.

Credit: HappyCamperMarie youtube

Kung kainan naman ang usapan, apat na katao ang makakakain sa kanilang dining area. Kagaya ng ibang bahay, kumpleto din ito mula sa sala, banyo, kwarto at kusina. Nakakamangha na lahat ng ito ay napagkasya sa isang sasakyan na ito.

Credit: HappyCamperMarie youtube

Ang tanong, sa palagay mo kaya na rin kaya ng ating bansa na magkaroon ng mga ganitong klase ng bahay?