Julia Montes at Nadine Lustre, magsasama sa isang pinakabagong teleserye na tiyak na aabangan ng kanilang mga fans

Paano nga ba mamumuhay ang isang Pinoy kung wala ang telebisyon? Bahagi na ng kulturang Pinoy ang panonood ng mga teleserye na pumapawi sa inip at pagod ng mga televiewers at netizens.

Kaya naman, bawat bagong proyekto at mga teleserye ay talagang inaabangan ng mga manonood. Isa sa mga may bagong proyekto ngayon ay ang mga kilalang aktres ng ABS CBN na sina Nadine Lustre at Julia Montes.



Credit: Eric John Salut Instagram

Alam naman natin na matagal tagal ring nagpahinga sa pag arte si Julia Montes matapos ang kanyang pamamalagi sa ibang bansa kasama ang ama.

At ngayon ay kasama niya si Nadine, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo at ang Thai aktor na si Denkhun Ngamnet. Ayon kay AdProm Head Eric John Salut, sila ay magkakasama sa isang proyekto na pinroduce ng Dreamscape Entertainment.

Credit: Eric John Salut Instagram

“HAPPENING NOW! @pauavelino @montesjulia08 @onlyzanjoemarudo @nadine @denkhun__ngamnet with Sir @montie08, @carlmerced @caticaticatzzzzzz @mosmos77 #Burado soon!,” saad ng isang IG post.




Magkakasama sila para sa shooting ng kanilang nalalapit na teleserye na pinamagatang “Burado” na lalabas sa ABS CBN.

“@nadine today in #Burado teaser shoot! Ganito po siya kasaya ngayon, actually nung storycon pa lang, dama mo yung saya nya! Go, girl! Photos: @carlmerced,” pahayag pa nila sa IG.

Credit: Eric John Salut Instagram

Mukhang napakaganda nga naman ng magiging chemistry ng mga casts at direktor nito. Si Emmanuel Palo ng “The General’s Daughter” at Darnel Villaflor of “Kadenang Ginto,” ang magiging direktor nito.

Ayon kay Dreamscape head Deo Endrinal, ang “Burado” ay hindi lamang kukunan ng mga eksena sa Pinas kundi maging sa ibang bansa gaya ng Thailand, Cambodia, at India.



Credit: Eric John Salut Instagram

Kasama din sa cast ng “Burado” sina Carmi Martin, Angel Aquino, Joko Diaz, Ina Raymundo, Lotlot de Leon, Matet de Leon, Raymond Bagatsing, Mccoy de Leon, Javi Benitez, at Kokoy de Santos.

Paniguradong panibagong papanoorin at aabangan na naman ito ng mga madla.