Anne Curtis, hinangaan sa kanyang napakagandang bahay na may eleganteng disenyo hanggang sa loob nito

Investment na maituturing ang pagpapatayo ng sariling bahay. Isa ito sa mga prayoridad na gawin at ipatayo kapag nga naman ikaw ay nakaka angat na sa buhay at nagtatagumpay na sa napiling career.



Credit: Anne Curtis Instagram

Halos sa mga showbiz personalities ngayon ay nakakapagpatayo na ng kanilang bahay. Bilang nakaka angat na rin sila sa kanilang buhay, nagagawa na nilang makapag ipon at maipatayo ang kanilang dream house.

Gaya ng napakagaling na aktres at host na si Anne Curtis. Sa kanyang kinikita bilang artista, ay nagawa na niyang makapagpatayo ng sariling bahay sa Timog ng Maynila.

Credit: Top10 World Youtube

Ang disenyo nito ay talagang commendable naman sa ganda. Disenyo ito ng magkapatid na designer sina Ivy at Cynthia Almario. Kilala ang magkapatid na ito sa kanilang galing at pagiging magkapares pagdating sa pagdidisenyo.

Pastel ang nangingibabaw na kulay sa bahay na ito. Inspirado din ito ng English-country style sa harapan nito.

Credit: Top10 World Youtube

Kung papasok ka naman sa loob naman ng kanilang bahay ay makikita ay ang “Soft Light” at “Soothing Color Palettes”. Sa katunayan, mismong si Anne ang pumili at may gusto ng mga kulay at disenyong ito.



Credit: Top10 World Youtube

Modern Style at Timeless Victorian din ang dating ng bahay ni Anne. Bagay na bagay sa kanyang sophisticated at talagang pang high class na looks.

Lumaki si Anne sa well off family, ang kanyang ama na si James Ernest Curtis-Smith at ina ay Pinay na mula sa Pangasinan na si Carmencita Ojales.

Credit: Anne Curtis Instagram

Binigyan nga naman ng magandang buhay at talagang angat na pamumuhay si Anne.

Samanatala, ang tahanan na ito ay iba pa sa bahay nilang mag-asawa na si Erwan Heussaff. Lahat ng ito ay naipundar ni Anne sa kanyang tagal sa industriya ng showbiz.



Credit: Anne Curtis Instagram

Nakaka mangha nga naman ang mga achievements ni Anne. Ngayon pa lang ay napakarami na niyang naipundar.