Sam Smith, sobrang bumilib sa isang batang pinoy habang kinakanta ang kanyang kanta sa isang videoke sa mall

Iba ang boses ng Pinoy. Ilang entablado na ba sa loob man o labas ng bansa ang nagpatunay sa ganda ng boses ng mga Pinoy. Napakaraming mga Pinoy singers ang talagang sumisikat ngayon sa showbiz man o sa social media.

Hindi nakapagtataka kung bakit napakarami ng mga sumasali sa mga singing contest lalo na sa telebisyon. Pero maging social media ay nagiging daan na ngayon para sumikat.



Credit: Trixie Madison Facebook

Iisipin mo bang isang kabataang Pinoy ang nakita at napansin ng international singer na si Sam Smith. Makikita sa Twitter ni Sam Smith ang kanyang tinweet na

“WHO IS THIS KID!!!!!? YOU ARE OUT OF THIS UNIVERSE WHOEVER YOU ARE.”


At ito ay may kalakip na video na makikitang umaawit si Carlmalone Montecido ng awitin ni Sam na “Too Good at Goodbyes.”

Matatandaang si Carl ay sumali na sa Tawag ng Tanghalan noong 2016. At umabot siya sa Grand Finals at naabot ang ika limang pwesto. Patunay na napakagaling talaga ni Carl.



Credit: Trixie Madison Facebook

Ang nasabing video ay inupload ni Trixie Madison dahil bilib na bilib siya sa ganda ng boses ni Carl. Makikitang nasa appliance store si Carl at umawit siya sa mga karaoke sets doon. Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 7 million views.

Kaya naman, maging mga netizens ay talaga namang napansin at pinuri siya:

“Pero mas humanga ako dun sa isang bata talagang nag stay sya dun kahut mukhang tamad n tamad na sya”

“Regardless he didn’t win the competition but just being praise of the original singer who sang it is a big accomplishment for him. I hope he’ll be given a chance to perform with him internationally. A chance of a lifetime.”



Credit: Trixie Madison Facebook

“I love the voice but the support his friend shows is very commendable and inspiring 😍😍😍

“THE VOICE PH please notice this kid! BRING HIM BACK TO THE SPOTLIGHT!!!!”