Ronnie Alonte, inamin na muntik na nyang hiwalayan si Loisa Andalio noon ngunit may nakapagpabago ng kanyang desisyon

Sa isang relasyon, hindi makukumpleto ito kung wala ang mga pagsubok na nararanasan. Dito tayo natututo at tumitibay bilang isang indibidwal at bilang magka relasyon din.



Credit: Loisa Andalio Instagram

Walang perpektong relasyon. Kaya, kung mahirap ang napagdadaanan ay dapat lang kumapit at huwag magpatalo sa mga ito.

Isa sa mga kilalang real life couple sa showbiz ay sina Ronnie Alonte at Loisa Andallo. Marami nga naman talaga ang kilig na kilig sa kanilang dalawa. Sino ba ang hindi mapapatili sa kilig kapag nakikita sila?

Credit: Loisa Andalio Instagram

Pero kahit mala perfect couple na sila ay mayroon din naman silang napagdadaanan na hindi mawawala sa isang relasyon.

Sa interview ni Ronnie sa Tonight With Boy Abunda, nasabi niya na maraming beses na niya gustong sumuko noon. Hindi niya sinabi ng direkta kung ano ang dahilan pero nasabi niya na baka dahil daw sa mga pagsubok nila dati.

Credit: Loisa Andalio Instagram

Pero, sa kabila nito ay may natutunan si Ronnie dito.

“Natutunan ko lang dun na parang, pagmamahal kailangan mo magbigay, magtiwala. Kasi hindi naman kayo magtatagal kung wala lahat yun,” saad ni Ronnie.



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Minsan na rin daw talagang nasabi ni Ronnie na ayaw na talaga niya.

“Naisip ko na yun mga fans, yun mga pangako ko sa social media na ‘ikaw ang panghabang buhay ko’, ikaw yung ano ko, tas sinabi ko sa kanya ayoko na. Ang daming stress na pumasok sa isip ko,” pagbabahagi pa niya.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Hindi naman madali para kay Ronnie ito. Siyempre, gaano man kahirap ito bumalik pa rin sa kanyang isipan kung gaano niya kamahal si Loisa at at hindi pala niya talaga kaya.

“Nasabi ko po sa sarili ko nung time na hiniwalayan ko siya, nung time na ayoko na. Pagod na ako ayoko na bumalik sa utak ko, oo nga ‘no. Hindi ako sanay nang wala siya sa tabi ko lagi, hindi na ako sanay nang wala siya,” banggit pa ni Ronnie.