James Reid at Nancy McDonie, ibang kilig ang hatid habang todo ang preparasyon para sa kanilang ginagawang proyekto

Kung kilig ang pag-uusapan, napakarami nga namang mga Pinoy Heart Throb ang talagang tinitilian ng mga kababaihan. Bawat pelikula ay paniguradong pang block buster. Bawat concert ay talaga nga namang hindi mahulugang karayom.




Ganyan nga naman kalakas ang suporta ng mga netizens sa mga nagpapakilig at nagpapasaya sa kanila.

Mula pa noon, at hanggang ngayon ay hindi naman nawawala ang mga ito. Isa na dito na nagpapakilig sa mga kababaihan ay si James Reid.

Credit: @dreamscapeph instagram

Sa kanyang mestiso look, k!ller smile at samahan pa ng napakalakas niyang karisma at porma, ay talagang mapapa wow na lang ang mga kababaihan sa kanya. No doubt kung bakit hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin siya sa showbiz.

At ngayon, maging isang international star ay itinatambal na sa kanya. Isa na dito ang napakagaling na singer at dancer mula South Korea na si Nancy McDonie ng K-pop girl group na Momoland.

Credit: @dreamscapeph instagram

Bukod kasi sa kaniyang kasikatan gawa ng kanyang pagsayaw at pag awit, ay may naitatago din palang talento si Nancy sa pagarte.

Kaya naman, naghahanda na si James at Nancy sa kanilang upcoming project. Sa katunayan, ay magkasama sila ngayon sa isang acting workshop bilang preparasyon sa kanilang proyektong series na “The Soulmate Project.”



Credit: @dreamscapeph instagram

Bagay na bagay nga naman talaga si James at Nancy. Pareho silang talentado na marunong kumanta at sumayaw. Bagay na bagay ang kanilang talento kaya marami ang nagsasabi na may chemistry daw talaga ang dalawa.

Abang na abang naman ang mga netizens sa magiging love team nila at kung magki-click nga ba ang love team na ito. Narito ang kanilang mga komento:

 

View this post on Instagram

 

Workshop Day 1 for #TheSoulmateProject ❤️

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on


“Mas bagay cla parehong baby face…????

“Naku po sa workshop palang magkadevelopan na sila ni nancy at james, mas maganda si nancy at mahinhin.”

“Wow… Mag click tlga ang movie nayan…”



Credit: @dreamscapeph instagram

“Wow ang ganda nun..panunuurin ko yun”