Groom at Bride, pinili ang Jollibee bilang maging kanilang wedding reception sa kanilang kasal na talagang naging patok sa mga netizens

Kapag kasalan na ang usapan, kanya kanya na ng dream wedding at mga lugar na nais gawin ang ceremony at reception nito. Paniguradong mga antigong simbahan ang seremonyas ang gugustuhin mo. Habang kapag reception ay mga beaches, hotels at restaurants.



Credit: Janine Veronica Minas Facebook

Pero, kakaiba ang bagong kasal na ito. Dahil wala sa mga nabanggit ang kanilang venue ng kasal at reception. Ikinasal ang mag-asawang Janine Veronica Minas at Marious Pabalinas sa kanilang kakaibang kasal at praktikal dahil ginawa nila ito sa sikat na fast food chain sa bansa na Jollibee.

Makikita sa mga kuha ng kanilang official photographer na si Minah Nguyen Dimakiling na ginawa ito dito. Take note hindi lang reception kundi maging ang kasal mismo ay nangyari sa Jollibee Ulo Ng Apo branch sa Olongapo City.

Credit: Janine Veronica Minas Facebook

Kwento ng mag-asawa, marami ang nagulat at akala nila noong una ay nagbibiro sila. Pero nang matanggap na nila ang invitation ay talagang nabigla ang mga ito.




“Everyone kept asking “Bakit sa Jollibee?”, “Seryoso? Di nga?” Haha. We chose Jollibee because it’s practical, the food is great, and of course IT IS JOLLIBEE! Who doesn’t like Jollibee? Hahaha.

It’s new for everyone! We did it there because it’s unique and different just like me and @mar.ious and our family and friends know that,” saad ng post ni Janine.

Credit: Janine Veronica Minas Facebook

Ano nga ba naman ang hahanapin mo pa sa Jollibee? Masarap ang pagkain, abot kaya at lahat ay gusto talagang kumain dito.

Pero hindi lang ito, lubos din nilang pinasalamatan ang mga staff ng branch na ito na talagang nakipagtulungan sa kanila.



Credit: Janine Veronica Minas Facebook

“I really appreciate their cooperation and understanding towards our event. Thank you Jollibee ulo ng apo and staff for your help and for allowing us to do our wedding in your place. Truly, Jollibee is the place where #bidaangsaya @ Jollibee Ulo ng Apo,” sambit pa ni Janine.