Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, nakitang magkasama sa isang restaurant na umani ng mga tanong kung may bago silang proyektong pagbibidahan

Kung ngayon ay pinagkakaguluhan ang mga kilig sa tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o Kathniel, kina Liza Soberano at Enrique Gil o Lizquen, noon, ay wala nga namang tatapat sa kilig na ibinigay ng tambalang ito.

Ilang teleserye at mga pelikula ang inihandog nila sa madla para lang makapagpasaya at makapagpakilig ng mga manonood.



 

View this post on Instagram

 

Kailan ba kayo? 😂 #popoybasha #johnlloydcruz #beaalonzo #worththewait

A post shared by Mr. & Mrs. Cruz 🔜 (@beajohnlloydforever) on


Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa love team na John Lloyd Cruz at Bea Alonzo? Makakalimutan ba natin ang mga masasaya, mapapa!t na salita at kwento ni Popoy at Basha?

Sa kanila nga naman nagsimula ang mga hugot scenes at lines sa mga pelikula na talagang tag0s na tag0s sa puso. Ang mga ito ay nakita sa pelikula ni Bea at Lloydie na One More Chance.

Credit: Vijay Gurung Facebook

Nabigyan pa ito ng sequel na A Second Chance na talagang tinangkilik pa ng mga manonood. Pero, sa paglipas ng panahon ay nabigyan na ng kanya kanyang proyekto at love team ang dalawa. Marami tuloy ang nagtatanong kung kailan ba sila magtatambal ulit?

Credit: Vijay Gurung Facebook

Ang post ng netizen na si Vijay Gurung ang maaaring maging sagot dito. Makikita kasi sa kanyang post si Bea Alonzo at John Lloyd Cruz noong nakaraan sa isang Indian restaurant sa General Luna, Makati City.



Credit: @janelaizacatudio instagram

Pero hindi lang silang dalawa ang nasa larawan. Kasama niya din sa larawan ang mga batikang direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Credit: Vijay Gurung Facebook

“Thank u so much John Lloyd Cruz & Bea Alonzo for dining with us here at RICH Makati 🙏 Good Luck on your upcoming movie😊 #celebrityguest #walkIncelebrityguest #bestindiancusine #thebestIndianrestoinPh #No.1indianresto,” saad ng netizen na nagbahagi ng kwento.

Kaya naman ngayon, hindi tumitigil ang mga espekulasyon kung ano nga ba ang meron sa meeting na ito. Nangangahulugan na kaya ito ng bagong movie nilang dalawa?



Credit: @janelaizacatudio instagram

Matagal tagal na ring nawala sa ere ng showbiz at pelikula si Lloydie. Maraming fans din ang naka abang sa comeback niya. Ito na kaya ang Third Chance para sa kanila?