Sharon Cuneta, inilarawan ang pagiging sobrang humble at mabait ni Angel Locsin sa isang throwback picture

Parehong kilala si Sharon Cuneta at Angel Locsin sa industriya ng showbiz. Lalo na sa kanilang galing at talento sa pag-arte. Kaya naman, mula noon at magpa hanggang ngayon ay talaga namang inaabangan silang dalawa.

Sa isang post ni Megastar Sharon Cuneta sa IG ay makikita ang kanyang mahabang mensahe para kay Angel Locsin. Lubos na namangha talaga si Sharon kay Angel.



Credit: @reallysharoncuneta instagram

“This was taken in 2005 or 2006. Angel was still Darna on GMA7. I was shooting my McDonald’a commercial with Kakie who was so obsessed with Darna then,” sambit ni Sharon sa kanyang IG.

Ikinwento din ni Megastar kung bakit siya bilib na bilib kay Angel. Lalo na kapag may mga events at noong Christmas Station ID shooting.

Credit: @therealangellocsin instagram

“Lemme tell you about this woman. Kahit nasaan siya sa laki ng ABS-CBN, pag nalaman niyang nandun din ako somewhere in the complex, pupuntahan niya ako kahit gaano kalayo para lang mag-‘hello’.

During the finale of the last ABS-CBN Christmas Special, magkakasama kami nila Angelica Panganiban at Ogie sa likod habang nauna na lahat halos ng ibang Kapamilya stars. (Tawa ako ng tawa kasi ayaw namin sumabay sa sobrang gandang si Liza Siberano. Mauna na o mahuli siya kasi para siyang lagpas pa sa Miss Universe sa ganda!),” saad pa ni Mega.



Credit: @therealangellocsin instagram

“Nung nasa stage na kami, ayaw ni Angel na dun lang ako sa likod. Sabi ko okay lang, nakakahiya naman dumaan pa sa gitna ng ibang stars doon para lang mapunta sa harap. Ayaw niya! Dapat daw doon ako! So hinila niya talaga ako at nilusot niya talaga kaming dalawa sa lahat ng mga artistang nasa long stage hanggang madala niya ako sa harap,” dagdag pa niya.

Pinuri talaga ni Megastar si Angel at tinawag pa siyang “THE Angel Locsin”.

 

View this post on Instagram

 

This was taken in 2005 or 2006. Angel was still Darna on GMA7. I was shooting my McDonald’a commercial with Kakie who was so obsessed with Darna then. Lemme tell you about this woman. Kahit nasaan siya sa laki ng ABS-CBN, pag nalaman niyang nandun din ako somewhere in the complex, pupuntahan niya ako kahit gaano kalayo para lang mag”hello.” During the finale of the last ABS-CBN Christmas Special, magkakasama kami nila Angelica Panganiban at Ogie sa likod habang nauna na lahat halos ng ibang Kapamilya stars. (Tawa ako ng tawa kasi ayaw namin sumabay sa sobrang gandang si Liza Siberano. Mauna na o mahuli siya kasi para siyang lagpas pa sa Miss Universe sa ganda!) Nung nasa stage na kami, ayaw ni Angel na dun lang ako sa likod. Sabi ko okay lang, nakakahiya naman dumaan pa sa gitna ng ibang stars doon para lang mapunta sa harap. Ayaw niya! Dapat daw doon ako! So hinila niya talaga ako at nilusot niya talaga kaming dalawa sa lahat ng mga artistang nasa long stage hanggang madala niya ako sa harap. Napakabuti ng batang ito. Paano mo naman di mamahalin? She didn’t have to do it but she did anyway, forgetting that she is THE Angel Locsin. Maraming salamat sa respeto, Angel. Love kita! @therealangellocsin

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on


Sumagot naman si Angel at nagsabi na fan daw talaga ni Megastar si Angel simula noong bata pa siya.

“Thank you so much po for being a wonderful example para po sa amin sa industry,” ayon naman kay Angel.



Credit: @therealangellocsin instagram

Talagang napakahumble nilang dalawa at talagang de kalibreng mga aktres.