Kasal ng mag-ex, pinuno ng kilig ang puso ng mga netizens dahil sa kanilang natatanging kwento

Isa sa mga pinag uusapan ngayon ay ang Facebook post ng isang netizen na si Aika Ota-Paglinawan. Marami naman kasi talaga ang kinilig sa kaniyang post dahil ibinahagi niya ang kanyang kwentong pag ibig sa mga netizens.



Credit: Aika Ota-Paglinawan Facebook

Nakakaintriga nga naman, sa title pa lang. Ang post ay may title na “I Married my Ex Boyfriend”. Kaya naman talagang binasa ito ng mga netizens.

Sa kwento ni Aika, taong 2010 nang maging first boyfriend at first love niya si Clark Sebastian Paglinawan. 13 years old lang sila noon nang maging sila kaya naman alam nila na masyado pang maaga kaya tinapos na muna nila ito.

Credit: Aika Ota-Paglinawan Facebook

“We got our love wrong the first time around but I’d always felt that we would cross paths again. And I was right, we found our way back together again last year,” kwento ni Aika.

At after 9 years ng kanilang paghihiwalay, ay muli silang pinagtagpo ng tadhana. Nakakatuwang isipin na sa kay tagal ng panahon ay makikita pa rin niya ang kanyang first boy friend at first love.



Credit: Aika Ota-Paglinawan Facebook

Naging sila ulit at nagbukas ang tadhana ng panibagong daan para magkatuluyan sila ulit. Kaya nagkabalikan sila at naging sila ulit.

At nang tanungin na siya ni Clark ng tanong panghabang buhay ay hindi siya nag dalawang isip na sabihin ang YES sa kanya.

“Thank you for opening a whole new world for me. You changed my life with hardly any effort. You secured a spot in my heart like you have no plans of ever leaving.

Credit: Aika Ota-Paglinawan Facebook

Thank you for making me feel a love like no other. Thank you for making me feel like I’m the luckiest and most beautiful girl in the world. I love you so much, and I cannot imagine what life would be if we hadn’t met,” mensahe ni Aika kay Clark.



Credit: Aika Ota-Paglinawan Facebook

Marami nga namang netizens ang talagang kinilig at na inspire sa kanilang kwento. Patunay na kapag kayo ang nakatadhana para sa isa’t isa ay walang makakasira nito.