Kris Aquino, sumagot sa sinabi ni Willie sa kanya, ‘pag ako naging asawa o boyfriend mo’

Isa sa mga kilala at talagang iniidolo ng mga bata o matanda ay si Willie Revillame o mas kilala bilang Kuya Wil. Kilala nga naman si Kuya Wil sa kanyang mga naglalakihang premyo sa mga shows at syempre ang trademark na pagbibigay ng jacket.



Credit: Willie Revillame Instagram

Usap usapan ngayon ang isang video ni Willie na kasama niya ang Queen of all Media na si Kris Aquino. Makikita sila sa isang closet dressing room.

Nagmarka sa mga netizens ang sinabi ni Kuya Wil kay Kris Aquino na,

Credit: Kris Aquino Instagram

“Noong binigay sa akin ‘to, inayos namin ‘to… Pag ako naging asawa o boyfriend mo, hindi ka pu-pwedeng magdumi. Gusto ko ayos lahat,” sambit ni Willie.

Sumagot naman si Kris at nagsabi na,

Credit: Kris Aquino Instagram

“Wag mo kami apihin. Nakakaloka ka! Inaapi mo kami. Malinis kami.”

Parang mala sitcom at reality show ang usapan ni Kris at Willie dito dahil makatotohanan din ang kanilang usapan.




“i have to be up at 6:30 AM tomorrow because there’s one more thing i need to do early in the morning to permanently “leave yesterday behind”… ayokong ma feel nyo na “GGS” ako because of my previous post, thanks to kuya Erick for sending me this video… listen to our conversation, hindi sinasadya pero parang pinaghalong sitcom na reality show kami ni willie. Good night & pleasant dreams to all of you. ??,” saad ng IG caption ni Kris.

Credit: Kris Aquino Instagram

Kung magkakatuluyan nga naman si Kris at Wil, paniguradong alagang alaga ni Kuya Wil si Kris. Kaya naman, maraming mga netizens ang nagsabing sana ay sila na lang:

“Sna nga cla nlng. Pareho sila d mkatagpo ng final true love. Bka sakali. Sila pla mkatadhana.”



Credit: Kris Aquino Instagram

“Love.is like a game.if you loose then you loose.and if you win..then u win.?