Jimuel Pacquiao, ipinasilip ang kanyang napakalawak na kwarto na sobrang kumpleto sa magaganda at mamahaling kagamitan

Isa sa mga pinaka pribadong lugar na pag-aari natin ay ang ating mga kwarto o tinatawag na bed room. Ito ang lugar na kung saan tayo ay nakakapagpahinga. Kaya naman, isa ito sa mga pinakamaayos at pinakamalinis na bahagi ng bahay.



Credit: Jimuel Pacquiao Youtube

Pero, para sa mga vlogger at mga showbiz icons ay hindi na ito personal na espasyo dahil maging ang mga ito ay ibinibida na sa kanilang mga vlogs at mga videos.

Gaya na lamang ng anak ni Senator Manny “Pacman” Pacquiao na si Jimuel Pacquiao. Ipinakita niya ang kanyang bed room na talaga namang napakaganda.

Credit: Jimuel Pacquiao Youtube

Unang makikita dito ang napakalawak at napakalaking kwarto. Nandito ang gaming space ni Jimuel. Makikita ang kanyang X box at personal computer na nagagamit ni Jimuel sa paglalaro at pag-aaral.

May mga sofa din sa kwarto ni Jimuel na parang dining area. Makikita sa kanyang mga pagkain ang pastillas at cookies para kapag gutom ay may kakainin nga naman si Jimuel.

Credit: Jimuel Pacquiao Youtube

Ipinakita din ni Jimuel ang kanyang mga koleksyon ng sapatos na talagang mapapa sana all ka na lang. Mayroon ding closet si Jimuel na may mga napakagagandang damit ni Jimuel.



Nakamamangha nga naman ang kwarto ni Jimuel na pasilip din sa bahay ni Pacman. Narito naman ang mga komento ng mga netizens dito:

“The way he treasures the painting he made with heaven… It was a product of Love… No doubt he realy loved her or still love her ?

Credit: Jimuel Pacquiao Youtube

“Oh man… Manny has done well. Your “room” is as big as a regular PHP 7-10 million apartment in Manila. What you have now is because of your dad’s bl0od, sweat and tears. It’s well deserved.”

Credit: Jimuel Pacquiao Youtube

“RK shows what he’ve got inside his fancy room! I am happy for him but never got insecured, They deserve it for his Daddy been through a lot and worked a lot to get where they are now !”



Credit: Jimuel Pacquiao Youtube

“This is the most honest room tour I’ve watched so far. Yung iba kasing celebs papaayos muna, papalinis and all. Which is fine. Pero ang honest lng neto kase ?