Angel Locsin, ibinunyag ang listahan ng mga tumulong at naging donasyon kasama ng mga binigay ni Bea Alonzo

Araw-araw nagiging makulay ang ating mga buhay sa saya at aliw na hatid ng mga artista sa kanilang angking galing at talento. Kaya naman, marami ang mga humahanga at talagang tumitingala sa kanila.



Credit: Angel Locsin Instagram

Gayunpaman, kahit anong rurok ng kanilang tagumpay at taas ng kanilang narating sa showbiz ay hindi pa rin sila nakakalimot sa panahon ng pangangailangan.

Kamakailan lang ay nag-alboroto ang Bulkang Taal, at isa sa mga nag abot ng tulong at naglaan ng oras para makaabot ng tulong sa mga biktima ay ang mga artistang ating iniidolo.

Credit: Bea Alonzo Instagram

Isa na dito ang kilalang Darna at anghel na si Angel Locsin. Tamang tama nga talaga sa kanya ang mga titulo dahil sadyang matulungin nga naman siya sa lahat ng oras.



Credit: Angel Locsin Instagram

Maging ang mga kasama ni Angel sa showbiz at kanyang kaibigan na si Bea Alonzo ay nagpaabot din. Inisa isa si Angel ang mga ito, mula sa 10 sacks of rice, 3 boxes of crackers, 1 box of toothbrush, 2 boxes of toothpaste, 3 boxes of noodles, 3 boxes of corned beef, 3 boxes of bath soap, at 2 boxes of detergent soap.

 

View this post on Instagram

 

Team effort!?? Nagpapasalamat po kami ni Lyn Garcia, my fiancé Neil Arce, at kapatid ko na si Angela sa lahat po ng nag-volunteer na magdamag na nag-repack, nagbuhat, at nag-distribute ng goods para makatulong sa mga apektado ng bulkang Taal. Sa mga kusang nagbigay po ng donasyong goods and cash, maraming salamat po. Ang total po ng na-repack nating goods ay: 3,126 Food packs 1,760 Hygiene Kits 200pcs Towels 100pcs Blankets Water bottles + multiple boxes of Medical Kits, Masks, & few boxes of baby needs Nakapag-distribute po tayo sa 3 evacuation centers na malimit na mapuntahan, at nakapaghatid tulong din sa isa pang evacuation center. Ang Red Cross Batangas Chapter po ay mas may kakayanang maunang rumesponde upang mabilis na makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan, kaya nagdonate po tayo ng 2 truckloads ng “ready to distribute” goods na handa nang ipamigay kung sakaling mas lumala pa po ang situwasyon. Dito po napunta ang mga naitulong ninyo. Maraming salamat po sa Red Cross Batangas Chapter for assisting us at maraming salamat po muli mga magigiting na volunteers! Mabuhay po kayo! Sana po maski paano, nakagaang po ito sa hirap na nararamdaman ng mga apektado sa sakunang ito. Karamay nyo po kami. ?? (PS: I decided to post the items and make an accounting this time para po malinaw sa mga nagdonate kung saan po napunta ang tulong po nila.) ? credit to owners #BangonTaal #HelpTaal

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on


Team Effort kung tawagin ni Angel ang kanilang pagtulong dahil ang kanyang mga kasama sa showbiz ay kasama sa pagaabot. Maging ang fiance nyang si Neil Arce ay nakiisa sa pangongolekta at pamimigay ng tulong.

Credit: Angel Locsin Instagram

“Nakapag-distribute po tayo sa 3 evacuation centers na malimit na mapuntahan, at nakapaghatid tulong din sa isa pang evacuation center, ” paliwanag ni Angel.

Sinabi din ni Angel na ang Red Cross Batangas Chapter ang isa sa kanilang mga partner dito.



Credit: Angel Locsin Instagram

“Dito po napunta ang mga naitulong ninyo. Maraming salamat po sa Red Cross Batangas Chapter for assisting us at maraming salamat po muli mga magigiting na volunteers! Mabuhay po kayo!
Sana po maski paano, nakagaang po ito sa h!rap na nararamdaman ng mga apektado sa [email protected] ito. Karamay nyo po kami. PS: I decided to post the items and make an accounting this time para po malinaw sa mga nagdonate kung saan po napunta ang tulong po nila. credit to owners,” dagdag pa ni Angel sa kanyang Instagram.