Yamyam Gucong, ipinasilip ang kanyang mga naipundar matapos manalo bilang big winner sa Pinoy Big Brother

Isa sa mga kilalang reality show sa bansa ay ang bahay ni Kuya na Pinoy Big Brother. Marami ang nag aasam na makapasok sa bahay ni Kuya dahil sa paniniwalang ito ang daan na maka angat sa kahirapan at makatulong sa pamilya.



Credit: Yamyam Gucong Instagram

Kaya naman, nang manalo si William Gucong o mas kilala bilang Yamyam sa PBB at itinanghal na Big Winner ay maraming blessings at opportunity ang dumating sa kanya.

Bukod sa mga tinamasa niyang premyo, kamakailan lang ay naiulat na nakabili siya ng bagong sasakyan. Sa ngayon, ay kasama siya bilang supporting actor sa Home Sweetie Home.

Credit: Yamyam Gucong Instagram

Bukod dito, isang negosyante din si Yamyam at mayroong siyang bakeshop sa Bohol na “Tinapay ng big winner ‘ – Yamito’s BakesHop.”

Marami ang nabilib kay Yamyam dahil sa pagpupursigi na kanyang ipinakita. Nakakatamasa man siya ng sarap sa buhay, pinili pa rin niya na mag negosyo upang mas kumita.

Credit: Yamyam Gucong Instagram

Patuloy naman ang paglago ng bakery ni Yamyam. Binabalak na din niya na mag expand at magkaroon nito sa Manila.

Ngayong 2020, isa na din sa mga gusto niya ay ang makatapos sa pag-aaral.



Credit: Yamyam Gucong Instagram

“Sana mag-aaral ako this year, pero maraming pumapasok na raket e, yung blessings. So kung babalansehin ko, parang mahirap siya. So siguro next school year, babana”, paliwanag ni Yamyam.

Nang tanungin naman siya tungkol sa pagiging bread winner ni Yamyam.

Credit: Yamyam Gucong Instagram

“Kasi kusa ko talaga itong ginagawa kasi ganito ko sila kamahal. Atsaka ayokong makita sila nang gaya ng dati na mahihirapan o makita ko silang umiiyak dahil sa gutom,” dagdag ni Yamyam .

Isang inspirasyon nga naman ang kwentong ito ni Yamyam. Narito ang komento ng mga bilib na bilib na mga netizens.

“Pinagpala ang taong mabait sipag at tyaga lng”



Credit: Yamyam Gucong Instagram

Congrats yamyam… Finally you achieved your goal… You want some more???”

“Im happy for you yam..god bless you more stay humble ??

Credit: Yamyam Gucong Instagram

“Wow , congratulations yam2x ug sa tibuok pamilya..more blessings to come yam ??basta tiwala Lang kay God”

Congrats YAMYAM, happy for you, natupad narin ang pangarap mo sa buhay para sa family mo.. Stay blessed.



Credit: Yamyam Gucong Instagram

Salamat din sa Abs-cbn sa laking tulong nyo sa mga taong nangangailangan ng tulong, God bless you more???