Andrea Brillantes, ipinasilip ang kanyang bagong ipinapatayong bahay na talagang pinapangarap nya noong pa lang

Kahit teen ager pa lamang, maaaring kasama na sa mga pangarap o mga nais makamit ay ang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Sabi nga nila, wala sa edad ang pangangarap. Hanggat may sipag at tiyaga, kayang kaya nga namang maabot ang mga ito.



Credit: Andrea Brillantes Instagram

Pinatunayan ito ng teen star na si Andrea Brillantes. Bumibida ngayon si Andrea sa Kadenang Ginto. At dahil dito, ay nakapagpundar na ng sariling bahay at lupa si Andrea. Konting konti na nga lamang at matatapos na at makakalipat na sila sa kanilang bagong bahay.

“Site visit of my soon-to-be home,” ayon sa post ni Andrea.


Sa isang panayam naman noon kay Andrea, lubos na nagpapasalamat siya sa kanyang career sa showbiz na naging daan para makapagpatayo ng kanilang sariling bahay.



Credit: Andrea Brillantes Instagram

“Para sa akin po, ngayon taon nagpapasalamat ako na matutupad na ‘yung pangarap ko. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nag-artista kasi gusto ko po magkaroon na kami ng sariling bahay. Kaya nagpapasalamat ako na finally ngayong 2019 na ginagawa na ngayon. So hopefully by 2020 tapos na siya. So ‘yun ‘yung parang pinaka-blessing sa akin ngayon,” kwento ni Andrea.

Ang kaniyang current show na Kadenang Ginto ay may napakalaking papel nga naman sa pagabot ng kanyang nga pangarap at goals sa 2019.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

“And ‘yun napakalaki ng impact ng Kadenang Ginto sa akin. Mas madami akong natutunan at mas nag-sisink na sa akin ‘yung mga lessons. Kasi dati natutunan ko lang pero hindi ko gingawa. Ngayon nagagawa ko na siya. Mas alam ko na ‘yung tama sa mali,” dagdag pa ni Andrea.

Ilang buwan na nga lamang at matatapos na ang kanyang dream house. Pero bukod sa bahay ay isa sa kanyang mga goal ngayon ay ang mapa fully airconditioned ang buong bahay.



Credit: Andrea Brillantes Instagram

“Ngayon dahil ginagawa na naman po ‘yung bahay, gusto ko po mapa-aircon ko na ‘yung buong bahay. Kasi never ko pa po ‘yun nararanasan. Summer ng 2019 lang namin first time na nagka-aircon kami ever. So gusto ko talaga maranasan aircon ‘yung buong bahay. ‘Yung hindi na mainit,” kwento ni Andrea.