Doug at Chesca Kramer, ibinahagi sa kanilang anak na si Kendra kung paano sila nagkaroon ng masaganang buhay at kung paano nila pinahalagahan ang pera

Perfect family nga naman ang pangarap ng lahat na magkaroon. Sino ba ang hindi mangangarap na magkaroon ng masaya, sagana at kumpletong pamilya?



Credit: Doug Kramer Instagram

Sa mundong puno ng kah!rapan, pr0blema at pasak!t, talaga nga namang napakasaya kung ikaw ay nasa masaya at mayamang pamilya. Mayaman sa pera, pagmamahal, pagkakaisa at kasayahan.

Kung perfect family ang usapan, parang ang Team Kramer o Kramer Family nga naman ang perfect example nito. Lahat na nga yata ay taglay ng pamilyang ito. Kumpletong pamilya, mayaman, at masayang pamilya, iyan nga naman ang taglay ng Team Kramer na inaasam ng lahat.

Credit: Doug Kramer Instagram

Pero, walang perfect sa mundo. Iyan naman ang pinag usapan at sinabi ng mag-asawang Doug at Chesca Kramer sa kanilang interview ng kanilang anak na si Kendra.

Makikita sa social media ang video ni Kendra na iniinterview ang kanyang mga magulang tungkol sa kanilang mga simulain sa buhay hanggang sa maging maayos ang estado nila sa buhay.



Credit: Team Kramer Facebook

“Did you know we also struggled with money as a young married couple?
We never imagined we would be in the position we are at now.

Truly God’s plans are better than ours! Here’s Kendra taking over Chesca’s closet and does an @mbush interview for Mama & Papa! She’s always wondered why we moved so many times and how we were able to finally breakthrough our financial struggle. 🙏❤️,” saad ng caption ng post.

Sa napakagandang bahay na taglay nila ngayon, nagsimula lamang ito sa isa ng townhouse.

Pinagkwentuhan din nila dito na nagka utang sila sa kanilang mga kaibigan at pamilya para lamang mabayaran ang kanilang mga utang sa bahay.

Credit: Doug Kramer Instagram

Nagawa pa nilang magbenta ng dalawang sasakyan para sa kanilang mga pangangailangan. Hanggang sa maipundar na nila ang kanilang sariling bahay.



Credit: Doug Kramer Instagram

Nagkwentuhan din sila tungkol sa kanilang mga financial management skills. Nasabi din ni Chesca na si Doug ang nagtuturo sa kanya sa pag iipon at pagiging masinop sa pera. At lahat ng kanilang tinatamasa ngayon ay dahil sa kanilang sipag, tiyaga at pagiging tapat sa Diyos.