Makisig Morales at Nicole Joson, nagpalitan ng mga matatamis na pagbati sa isa’t isa nang ipagdiwang nila ang kanilang unang wedding anniversary

Ang dami na nga namang mga child star ang bumibida ngayon sa telebisyon. Mapa pelikula, teleserye o mga noon time shows ay talagang lumalabas ang mga child stars na ito. Ang kanilang angking galing sa pag-arte ay talagang makikita kahit sa kanilang murang edad.

Pero, hindi habang buhay ay mga child star sila. Sa pagtagal ng panahon, ay lumalaki at nagiging teen ager sila. Siyempre, haharap din sila sa mga pagbabago na kinakaharap ng simpleng teenager.



Credit: Makisig Morales Instagram

Isa sa mga kilalang child star ay ang kilalang super hero noon na si Super Ingo. Kilala ang Super Ingo ng Pinas na si Makisig Morales. Lahat nga naman ay bilib na bilib kay Makisig sa kanyang galing sa pag arte at angking charm at appeal sa telebisyon.

Idolo nga naman talaga ng lahat lalo na ng mga bata at crush pa ng bayan. Pero kamakailan, ay ikinasal na si Makisig sa beauty queen na si Nicole Joson.

Credit: Makisig Morales Instagram

Matatandaang engaged na sila noong September 2018. At noong June 2019 ay opisyal na silang ikinasal at nagsumpaan sa harap ng batas ng Diyos at ng tao.

Credit: Nicole Morales Instagram

Ngayon, ay nagdiwang na sila ng kanilang anniversary. Talaga nga namang napaka sweet nila sa isa’t isa. Makikita mo ang kanilang mga palitan ng mensahe para sa anibersaryo.



Credit: Makisig Morales Instagram

“Happy 1 year anniversary my Love. “Maraming challenges na nangyari sa 2019 at ganun din ngayong 2020 pero ang importante ay we will face it together! Stay fun-loving-energetic-weirdong tao na minahal ko. I love you so much,” ayon sa post ni Makisig para sa kanyang asawa.


Sumagot naman si Nicole ng sweet na mensahe para kay Makisig.

“Happy 1st year Anniversary to My Better-in-Every-Way Half. It’s been a tough year, but our love is tougher. For better and for worse I love you,” pahayag ni Nicole.




Ito nga naman ang nagpapakita ng tunay na pagmamahal ni Makisig at Nicole sa isa’t isa.