Alex Gonzaga, namigay ng pera habang namamasada kasama ang kanyang daddy Bonoy na ikinagulat at ikinatuwa ng kanilang mga naging pasahero

Kilala ang mga Pinoy Jeepney bilang mga hari ng kalsada. Ito nga naman ang uri ng transportasyon na talaga namang tatak Pilipino. Isa ang Pinoy Jeepney sa mga pinaka gamit na uri ng transportasyon sa atin dahil bukod sa mura ay bahagi na ito ng ating kultura. Ang dami ring mga pamilya ang umaasa ang kabuhayan nila sa pagmamaneho ng jeep.



Credit: Alex Gonzaga Youtube

Gaya na lamang ng sikat na vlogger at host na si Alex Gonzaga. Makikita sa vlog na nagrenta si Alex ng jeep para makapamasada sila ng kanyang ama. Matatandaang dating nag mamay-ari at jeepney driver pala ang ama ni Alex at Tony.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

“Nung bata kami, meron kami dating jeep. Ang daddy ko namamasada noon tapos ang gagawin namin ng ate ko, sasama kami. Tapos ending nagiging pasakit ako sa mga pasahero kasi natutulugan ko sila,” kwento ni Alex sa kanyang vlog.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Laugh trip nga naman talaga ang naging byahe kasama si Alex. Isa sa mga pakulo ni Alex ay magbibigay siya ng tig iisang daan na sukli kahit magkano pa ang bigay ng pasahero.



Credit: Alex Gonzaga Youtube

Sumayaw at kumanta pa sila sa loob ng jeep. May kasama pang games na Bring Me at may premyo ding 100 pesos. Tuwang tuwa ang mga pasahero at nagpapicture kay Alex.

Narito ang mga komento ng nga netizens:

“Alex G. is my favorite comedian actress and also stress reliever?? Continue spreading good vibes?

“Ang hirap maging jeepney driver lalo na kung marami kang pasahero kaya sa mga jeepney driver kontian nyo pasahero” hahaha noted”

Credit: Alex Gonzaga Youtube

“Ang galing mo talaga Alex…ang gaganda ng mga ideas mo for vlogging. At very supportive si daddy Bonoy…????

“Punong puno na po pala tayo, pede po bang magsibaba na ang iba jan! ? Kulit ni Alex ?‍♀️



Credit: Alex Gonzaga Instagram

“This is so sweet Alex G ;* Ate Alex way of giving back ;* Love your family so much ;* Hope to meet you soon. God bless you ;*