Sarah Lahbati, sobrang elegante ang naging bridal shower na dinaluhan ng pamilya at bigating mga artista

Lahat tayo ay may nakalaan na tao para sa atin. Sa dinami rami ng tao sa mundo, may isang taong nakatadhana sa atin na mamahalin, makabuo ng pamilya at makasama natin habang buhay.



Credit: Sarah Lahbati Instagram

Kanya kanya tayo ng kwento ng mga taong nakatadhana sa atin hanggang sa madala natin sa altar ang taong nakalaan sa atin. Maging ang mga iniidolo nating mga artista ay may sarili din silang love story.

Ang couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na talaga namang inabangan ng mga netizens ay talagang nakaka inlove pa rin hanggang ngayon. Sino ba ang hindi kikiligin sa kanilang love story? Mayroon na silang dalawang anak, si Zion na naipanganak noong 2013 at si Kai noong 2018.

Credit: Sarah Lahbati Instagram

Masayang masaya naman sila bilang isang pamilya. Lalo na si Richard na na eenjoy ang pagiging ama.

“Siguro, I can say that throughout the years, nag-level-up ’yung parenting skills ko. Pero every day is still a learning experience. I’m still learning every day about fatherhood. And it’s a constant journey and constant learning. Pero I’m enjoying every process of it,” kwento ni Richard.

Credit: Sarah Lahbati Instagram

Noong 2017, officially engaged na nga naman si Richard at Sarah sa isat isa. Habang tumatagal ay mas tumitibay at lumalalim ang pagmamahalan nila sa isa’t isa. Sa darating na 2020 ay ikakasal na sila.

At ngayon ay idinaos ni Sarah ang kanyang bridal shower.



Credit: Sarah Lahbati Instagram

#BecomingMrsGutz ang tema nito at suot ni Sarah square toe open heels mula Bottega Veneta.

Credit: Sarah Lahbati Instagram

Sa tulong ni Paul Nebres at makeup artist na si Jelly Eugenio ay inayusan at lutang ang ganda ni Sarah sa kanyang event.

Credit: Sarah Lahbati Instagram

Dinisenyo naman ito ng House of Hermosa na may mga lux velvet furnitures at bouquets ng rose sa Viere Hotel.

Credit: Sarah Lahbati Instagram

Pumunta din ang kanyang mga matatalik na kaibigan na sina Bela Padilla, Coleen Garcia at BJ Pascual.