Jinkee at Manny Pacquiao, bongga ang bakasyon sa mga lugar sa Canada kasama ang mga anak na talagang nag-enjoy dahil sa ganda ng mga lugar na kanilang napuntahan

Ang pagbabakasyon ay paraan para sa marami sa atin upang makapagrelax, mailayo ang isip sa trabaho, makalimutan panandalian ang mga problema, o di naman kaya ay takasan ang maingay na paligid sa kani-kaniyang mga lugar.



Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Ang iba naman ay pumupunta sa malalayong lugar para makasama ang pamilya, magsaya at mag-enjoy sa mga magagandang tanawin at pasyalan, o kaya ay ma-experience ang kultura at pamumuhay sa ibang lugar.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Marami nga naman talagang benepisyo ang pagbabakasyon, hindi lamang para sa ikalulusog ng ating katawan at isipan, pati na rin ang magkaroon ng mahabang oras kasama ang pamilya o di naman kaya ay mga kaibigan.





Gaya na lamang ng pamilya nina Jinkee at Manny Pacquiao na talaga naman ang lakas maka travel goals dahil sa kanilang mga bongga at glamorosong mga bakasyon na talagang deserved din nila dahil sa kanilang pagtityaga sa kanilang mga career at pagmamahal sa isa’t isa.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Sa mga post ni Jinkee Pacquiao sa kanyang social media account ay makikita na sobrang nag-enjoy ang kanilang buong pamilya sa Alberta at Vancouver sa Canada upang salubungin ang bagong taon.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Marami silang napuntahang lugar tulad ng sa Calgary, Canmore, Lake Louise at sa English Bay.



Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Di talaga matutumbasan ng kahit anung halaga ang saya ng naidudulot ng pagsasama-sama ng pamilya. Kaya naman kahit sa sobrang busy ng schedule nina Manny at Jinkee Pacquiao ay mayroon pa rin talaga silang oras para makasama sa bakasyon ang kanilang mga anak.